CHAPTER 1

528 8 2
                                    

Nathalie

I'm breaking up with you, Nathalie. I don't love you anymore.

Paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko yang mga salitang binitawan ni Tristan kanina sa harap ng Mcdo. In front of  the creepy clown statue..

Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko. Pesteng mga luha! Ayan na naman sila. Feeling ko hindi ako ang nagcocontrol ng sarili ko ngayon. Ang puso ko..

Umupo ako sa gilid na bakanteng upuan  sa loob ng Mcdo. Tinitigan ko ang inorder kong cheese burger at hot chocolate na kakabigay lang ng todo ngiting waitress..

"Enjoy your meal, ma'am!"

Tumingin lang ako sa kanya. Sumimangot siya nang mapansing umiiyak ako..

"Sana po tumigil na ang pag-iyak niyo pag natikman niyo na ang mcdo cheese burger!"

Tumingin ako ng masama sa kanya. Agad naman siyang umalis. Idadamay pa niya talaga yung burger! Ano yun indirect advertisement?!

I grabbed my phone when I heard it vibrated.

From: Mommy

Nathalie, where are you? Nakausap ko si Tristan. Wala na daw kayo? Please call me, darling.

Agad kong tinago yung phone ko sa pink sling bag ko. I don't want to talk to anyone right now..

He broke up with me. Wala na kami. Tinapos na niya kanina. Makalipas ang isang linggong hindi niya pagpaparamdam ay tinapos na niya..

Pinunasan ko yung mga luha ko sa pisngi ko at nagsimulang kumagat ng burger ko... Buti na lang at umupo ako dito sa gilid...

I want him back! I want him again.

Alam niyo yung feeling na mahal na mahal mo siya tapos iiwan ka  lang niya? Ang sakit sa puso, tagos!

Makalipas ng ilang minuto ay naumay na ako sa kinakan ko..I need to go somewhere else. Ayoko dito sa Mcdo! Baka pagkamalan pa nila akong nagmomove on katulad sa commercial.

Mula sa Mcdo nagdrive ako papunta sa Manila Bay. Gusto kong mag-isip. I want to be alone. I want to burst out all the pain in my heart

Pagkarating ko ng Manila Bay lumabas na ako sa pink na sasakyan  ko, si Pinky.  Agad kong natanaw ang malawak na dagat.

"Tristan, why?!!" Sigaw ko. Para na akong baliw na sumisigaw dito. Buti na lang at walang tao.

"Why did you break up with me? Alam mo ang daya daya mo!! Sabi mo walang iwanan!! Sabi mo mahal mo ako! Paasa ka, gago!!" Napapaos na yung boses ko kakasigaw. I don't care. Napasandal ako sa sasakyan

"Ano bang kulang? Ano bang problema? Tristan, please!!!"

Hindi ko talaga matanggap na wala na kami. Iniwan na niya ako! He doesn't love me anymore.

Anger automatically built in my heart. He left me without any reason.

"Mamatay ka na sana gago ka! Nang-iiwan ka! Do you know that I'm hurting?! Masakit dito!" itinuro ko yung parte ng puso ko.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon