CHAPTER 47

163 3 1
                                    


Dumungaw ako sa bintana para makita si Ezekiel na nakatayo at nakasandal sa kanyang sasakyan. Madilim ang paligid. Tanging ang street light lang ang nagpapaliwanag sa harap ng bahay. Huminga ako ng malalim..

"Nathalie, kakausapin mo ba si Ezekiel?" Tanong ni Manong Ben na hininto ang sasakyan

Hinawakan ni Reen ang kamay ko. She doesn't know anything. Ang alam niya lang siguro ay hindi ko alam ang pag-alis ni Ezekiel. But I really know it. Tito Jeffrey clearly told me about it before I left Ilocos ..

Umiling ako at pinikit ang mga mata. I don't want to talk to him. I don't want to see his handsome face right now. Galit ako sa kanya kasi hindi niya sinabi lahat ng plano niya.. hindi ba ako parte sa mga pangarap niya?

"Are you sure? You have to inform him your plans, Nathalie. Laumabas ka muna at kausapin siya" ani Reen

Umiling muli ako. Pumikit ako at isinandal ang ulo na para bang gusto kong magpahinga. Kahit anong pilit nila ay ayoko siyang kausapin..

"Sige. Ako na lang muna ang kakausap sa kanya"

Wala akong naging sagot hanggang sa naramdaman kong lumabas si Reen para kausapin si Ezekiel. Dinilat ko ang aking mga mata at tinignan silang dalawa na nag-uusap. I can't hear their conversation. Magulo ang buhok ni Ezekiel at wala na ang kanyang bowtie. Mukha siyang problemado sa mga nangyari.

"Sana mapag-usapan niyo pa ang problema niyo, Nathalie. Mag-intindihan kayong dalawa" ani Manong Ben kaya napatingin ako sa kanya

Hindi ako sumagot. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Gusto ko na lang pumunta sa Maynila at kumustahin si Daddy. Sana maging okay siya. Kung magiging okay siya ay mapapanatag na ang loob ko at makakausap ko na si Ezekiel ng maayos.

"Let's go, Manong Ben" ani Reen pagkapasok niya ng sasakyan

Nilingon ko si Ezekiel na sinisilip ako. Bakas sa boses ni Reen ang galit at kaba. Ano kayang pinag-usapan nila? Bakit siya biglang nagalit?

"Nathalie! Let's talk please. Nathalie! Wag mo akong iwan!!" sigaw ni Ezekiel habang kinakalampag ang bintana ng sasakyan

"Babe! Please mag-usap tayo. Babe!!" patuloy niyang sigaw

"Anong plano mo, Nathalie?" tanong ni Manong Ben habang nakatingin kay Ezekiel..

"Let's go, Manong. I don't want to talk to him" sagot ko na sa wakas ay nakapagsalita na rin

"Nathalie!!"

Pinaandar ni Manong Ben ang sasakyan at unti-unting kaming umalis. Nilingon ko si Ezekiel na hinahabol kami "Nathalie! Don't leave me, please!" huling rinig ko nang bilisan na ni Manong Ben ang pagmaneho..

Lumingon ako para tignan ulit si Ezekiel, pero malayo na kami kaya hindi ko na siya makita pa. Ang pagbuhos ng mga luha ko ay kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Tuloy tuloy na umagos ang mga luha ko sa aking pisngi. Sumisikip na ang dibdib ko dahil sa hindi mapagilang paghikbi..

"Nathalie. It's okay. Nandito lang ako" ani Reen at niyakap ako

Pinunasan ko ang aking mga luha pero wala itong silbi dahil sa panibagong luha na dumadaloy sa aking pisngi. Napuno na ako. Ang kaninang luha na kanina ko pa pinipigilan ay bumuhos na lahat ngayon. Buong buhay ko masaya ako sa piling nila Mommy at Daddy. I'm truly loving the person whom I really love. Kahit kailan hindi ako nagreklamo kung bakit lahat ng lalaking minamahal ko ay sinasaktan ako. Gusto ko lang naman maging masaya sa lalaking kaya akong mahalin higit pa sa iba..

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon