CHAPTER 18

152 6 0
                                    


Si Ezekiel ang pinaharap sa jumpball. Kaharap niya ngayon ang isang matangkad na taga- NWU.

"Woooooo! Go Ezekiel! Go Ezekiel! Franco! Franco!" Sigaw ng mga estudyante at fans.

"Go Ezekiel!!" Sigaw naman namin ni Jessica.

The referee whistled and he threw the ball up. Nakuha ni Ezekiel!

"Oh my gods. Go Ezekiel!" Sigaw ko. Ang galing galing niya!

Ipinasa ni Ezekiel ang bola kay Jeremiah, nagdribble siya at ini-shoot ang bola. Pasok!

"Woaaaaaw! MaMaSu! MaMaSu!" Sigaw ng mga tao.

Unang nakapuntos ang MMSU. This is so fun! Parang yung mga panahon lang na sinusuportahan ko si Tristan sa mga laro niya sa SLU.

Enough for that. I'm here to enjoy not to think of that douchebag!

Nang mag-3rd quarter na ay tabla na ang score. 66-66. Magaling din ang kalaban at nakahabol sila. Mukhang determinado din silang manalo.

"Nathalie, icheer mo naman si Ezekiel para mainspired" bulong ng katabi ko.

"Ano ka ba! Ayoko na! Nakakahiya kaya" pag-aayaw ko

"Tss. Sige na! Ang kj mo naman! Sige, ako muna. Tapos sunod ka ha?" Ani niya at agad sumigaw.

"Go Jeremiah! Go baby! I love you!!!!" Naghiyawan naman ang mga tao.

Nagflying kiss lang si  Jeremiah kay Jessica. Well, that's sweet. Kilig na kilig na 'tong katabi ko.

"Your turn" nakangisi nyang sabi.
I sighed bago ako sumigaw.

"Go Ezekiel!! You can do it!! Go Franco!! Go number 15!!" Sigaw ko to the highest level.

Naghiyawan ang mga tao! May mga kinikilig at meron ding nakatingin ng masama sakin.

Ngumisi lang si Ezekiel at nagthumbs up sakin. Akala ko naman flying kiss gaya kay Jeremiah kanina. Asa, Nathalie!

"Yiee! Kinikilig na talaga ako sa inyo" ani Jessica at niyu-yugyog pa talaga ako.

Ano kayang nakakakilig dun? Hays! Wala namang sweet dun.

At tulad ng mga nangyayari sa ibang kwento ay nanalo sila Ezekiel. 109-66 ang score. Akalain mo yun hindi na nakascore ang NWU.

Wow, just wow!

Nang matapos na ang laban ay agad kaming lumapit sa mga players. Unti-unti na ding lumabas yung mga tao.

Nakita naming nakikipagkamayan ang mga players sa kalaban. Well, sportmanship.

"Baby, you're so galing talaga! I'm so proud of you!" Ani Jessica at niyakap si Jeremiah.

I remember ganyan na ganyan ako kay Tristan noon pagkatapos ng game nila. Well, that's all memories for now.

"Nathalie!" Ani Jude at lumapit sakin.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon