"Ako po? Bakit po?" Nagtataka kong tanong.
"May pageant kasi next month. Reyna Ti Kapintasan. Gusto mo bang sumali?" Nakangiti niyang alok.
Naalala ko na naman yung sinabi nila Ate Ysabel. Kasali din si Precious dito. Tumingin ako kay Tita Sandy.
"Gusto mo ba, Nathalie? Sumali din si Saff noon. Siya yung nanalo" ani Tita Sandy
Bigla akong napaisip. Ang alam ni Precious ay sasali ako. Siguro naghahanda na yun para matalo ako at makuha si Ezekiel sakin. Well, I'm willing to fight for Ezekiel. Kahit na ako ang mahal ni Ezekiel ay hindi ko pa ring maiwasang mag-alala. Desperada na talaga si Precious!
"Kailan po yung exact date ng contest?" Tanong ko at uminom ng juice.
"September 15. Ano game ka? Sayang, you're so pretty kasi!" Ani Rodrigo
"Sige po. Sasali ako"
"Oh my gods! Talaga! That's good. Ako yung magiging mentor at trainor mo" masayang sambit ni Rodrigo.
"I'll support you, hija. Ikaw ang mananalo" ani Tita Sandy at hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti lang ako at tumango.
"The training will start tomorrow. 8am at Cultural. See you, Nathalie" tumayo si Rodrigo at bumeso sakin.
"Thanks Kuya Rodrigo" I said.
"Kuya? Yuck! Ano ka ba, Nathalie. Rod na lang" sambit niya na para bang nasusuka sa sinabi ko.
Tumawa kami ni Tita Sandy "I'm sorry. Thanks, Rod" pag-uulit ko.
"O, sige na. Mauna na ako. See you!" Ani Rod at umalis ng bahay.
"Matutuwa si Saff neto! Siya yung nanalo sa Reyna Ti Kapintasan noong 2014" ani Tita Sandy.
Siguro kakausapin ko na lang si Saff at magtanong ng mga tips. 18-23 years old daw yung mga dapat sumali.
"First time kong sumali, tita. Kinakabahan ako"
"Wag kang kabahan. Ganyan din si Saff noon. Pero tignan mo nanalo siya" ani Tita Sandy at binasa ang text sa phone niya.
"Nasa bahay na daw nila yung bangkay ni Rema. Nagtext si Jerome, yung daddy ni Jeremia. Punta tayo mamayang gabi" ani Tita Sandy
"Okay, tita. Matutulog lang po ako sa kwarto"
Tumango lang siya at umakyat na ako ng kwarto. I sighed. Ang daming nangyari sa araw na 'to. Yung mommy ni Jeremiah. Napasubo pa ako sa pageant na 'yan! Hays!
Tinext ko sila Mommy, Daddy, Reen at Bryle na sasali nga ako sa pageant. Lahat sila ay excited at gustong umuwi para mapanood ako next month. Sana nga makapunta sila para may lakas akong pagkukunan.
Kinagabihan ay pumunta kami sa bahay nila Jeremiah para sa burol ng kanyang mommy. Kasama ko si Tita Sandy at Tito Brend.
"Salamat at nakapunta kayo Brend" ani Daddy ni Jeremiah na nagluluksa sa harap ng kabaong.
Hindi ko maiwasang malungkot. Grabe, ngayon na lang ulit ako nakabisita ng burol magmula nang mamatay si Lolo.
BINABASA MO ANG
Goodbye is Forever (COMPLETED)
Roman d'amourShe was brave and strong and broken all at once. How would she manage her heart? The Typical Girls #2 Page Nathalie Romero Salvador story.