CHAPTER 14

164 3 0
                                    


When we got to Robinson's,  nagdiretso kami sa parking area.

Ilan kaya ang sasakyan  niya? I remember red car noon yung gamit niya.

"Anyway, how old is your sister? Does she have family na?" Tanong ko. I unbuckled my seatbelt.

"31. Yes, she already has. Let's go" ani niya at bumaba.

Bumaba na din ako. Inayos ko yung sling bag sa balikat ko.

I checked my watch it's already 11:15am. Maglu-lunch na!

Pumasok kami sa mall. Napansin ko agad yung Mang Inasal. Bigla tuloy akong nagutom.

"Ganyan ka ba talaga magsuot ng damit?" Napatingin ako sa kanya sa gilid ko when he talked.

Napatingin ako sa floral tube dress ko. Hanggang tuhod yung haba niya.

"Yes. Why? Okay naman ah" nakakunot kong sagot.

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako.

"Hindi ba bagay sakin? I thought--"

"No. It's okay. You're sexy" nakangisi niyang sabi. Shet!

I smiled. "Oh, okay"

Pumasok kami sa supermarket at nagsimulang bumili. Siya yung nagtutulak ng cart.

"Anong oras yung pasok mo mamaya?" Tanong ko habang kumukuha ng Whisper with wings.

"4 pm" sagot niya at tinignan yung napkin na kalalagay ko sa cart. Bigla tuloy akong nahiya!

"May period ka ba ngayon?" Nagulat ako sa tanong niya. Nakakahiya!

"Nope. But I guess, magkakaroon ako next week. Hindi pa kasi ako nagkakaroon ngayong July" sagot ko.

I checked all my stuffs that I need. Okay naman na!

"We're done! Let's go!" I said.

Ngumisi lang siya at sumunod sakin habang tulak tulak yung cart.

"Good morning ma'am" Walang ganang bati ng babaeng cashier sakin.

Napatingin siya kay Ezekiel. "Good morning sir!!!" Ganado niyang bati.

Teka, kanina sakin malungkot siya tapos kay Ezekiel masaya? Is she kidding me?

Ngumiti lang ng tipid si Ezekiel at nagblush pa si ate. Kaloka! Aba malande!

"Baby, let's watch a movie after this?" Malambing kong tanong at kumapit sa kamay ni Ezekiel. Nakatingin lang ako kay ateng malandi.

Ezekiel just laughed. "Okay baby" sagot niya. Mukhang nagets niya kung bakit ko yun ginawa.

Nakita kong sumimangot si ate habang naglalagay ng mga pinamali namin sa plastic bag.

"2,384. 25 pesos po ma'am" sabi ni ate. I glared at her. Sige lang, matakot ka!

Ibibigay ko na sana yung BPI card ko when Ezekiel gave his card.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon