CHAPTER 31

138 4 0
                                    

Hi guys! Please vote, comment and share! Thank you!

----

Nagising ako sa ring at vibration ng cellphone ko. Kung hindi katok ng pinto, tunog naman ng phone.

Free alarm clock!

"Oh, Saff!  How are you?" Sagot ko sa katatawag lang na si Saff. Kinusot ko ang mata ko and checked the time. 8:30 am na.

"I'm okay, ate! Ikaw? May chinismis pala si Mommy sakin" bakas sa boses niya ang pang-aasar.

"Aynako! Alam mo ba yang mommy mo pinagsabi na yata sa lahat ng mundo na boyfriend ko na si Ezekiel" Natatawa kong sagot.

"Ate, mahal mo ba talaga si Ezekiel?" Tanong niya.

"Oo naman, Saff! Ano ka ba!" Medyo gulat ako sa tanong niya.

"Don't misunderstand me ate, ah. Nag-aalala lang ako. Para kasing masyadong mabalis"

Bumangon ako at kinuha ang tuwalya na nakasabit.

"Don't worry about me, Saff. I can handle myself. Mag-aral ka ng mabuti. Okay?"

"Yes, ate. I miss you! Sige na, may klase pa ako" she said and ended the call. Namimiss ko na rin yung babaeng yun.

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pupunta kasi sila Ezekiel, Jessica, Jude at Jeremiah ngayon dito sa bahay. Buti na lang at naka-leave si Tita Sandy. At least, may kasama akong mageentertain sa kanila.

"Good morning, Tita!" Masigla kong bati kay Tita na naabutan ko sa kitchen. Nagluluto siya ng breakfast. Si Tito Brend naman, as usual huwag niyo nang tanungin.

"Oh, anong oras pupunta sina Ezekiel dito?" Tanong niya habang nagpriprito ng ham at bacon

"On the way na daw sila tita. Sina Manang Pasing po?" Tanong ko nang mapansing wala ang mga katulong.

"Nasa garden sila. Pinag-aayos ko ng mesa para dun na kayo kumain. Mag-swimming na lang kayo kung gusto niyo" ani niya.

Tumango lang ako at tinulungan siyang magprito. Minsan napapasigaw ako sa pagtalsik ng mantika. Tinatawanan na lang ako ni Tita Sandy. Naalala ko tuloy si Tita Alicia at Ate Ysabel nung nagluto kami ng pinakbet. Anyway, hindi pa kami nag-uusap ni Tita Alicia.

"Tita, nasa labas na daw sila. Sunduin ko lang" ani ko nang magtext si Ezekiel. Tumango lang siya.

Lumabas ako ng bahay at nakita ang kotse ni Ezekiel. Sinenyas ko sa guard na buksan ang gate para makapark sila sa garahe.

"Hi, baby!" Ani Ezekiel at humalik sakin.

"I miss you!" Nakangiti kong sambit.

"Uhm, hello guys? Nandito  po kami para malaman niyo" umubo pa si Jessica.

Natawa na lang kaming lahat.
"Sorry na! Namiss ko lang ang baby ko. Oh, may dala ba kayong damit?" Ani ko.

"Wala eh. Bakit?" Ani Jude.

"Magswi-swimming sana tayo!" Excited na sambit ko.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon