CHAPTER 28

154 3 0
                                    

"Hello, Daddy?" Sagot ko sa tawag.

"Nathalie, anak. How are you na?" Masiglang bati ni Dad.

"I'm okay po, Dad. Nandito ako sa bahay ni Ezekiel ngayon"

"Mag-ingat ka diyan, ah? Gusto na naming makilala si Ezekiel. Excited na ang mommy mo" napangiti ako.

"Punta na po kasi kayo dito Dad. Papakilala ko rin kayo sa parents niya. Grabe sobrang bait po nila"

"Baka next month pa kami makakapunta diyan, princess. O, sge. I gotta go. May meeting pa'ko. Bye!"

"Bye, Daddy. Take care!" Paalam ko and ended the call.

Medyo nanibago ako kay Daddy. Akala ko may importante siyang sasabihin. Minsan lang kasi siyang tumawag. Tatawag lang siya pag may problema o may sasabihin. Namimiss ko na tuloy sila sa Manila.

"Si Ezekiel po tita?" Tanong ko nang mapansing wala na siya sa kusina.

"Nasa taas. Nagpalit lang. Simulan na nating magluto!" sagot ni Tita Alicia.

"Nathalie, eto mga gulay. Cut it into pieces at hihiwain ko lang yung karne" ani Ate Ysabel.

"Ako na magbabalat ng bawang" ganado namang sambit ni Tita Alicia.

Tumango lang ako at nakinig sa katulong kung paano ang gagawin sa mga gulay. Ang sangkap ng pinakbet na gulay ay sitaw, talong, ampalaya, okra at hindi ko alam kung ano yung isa.

"Ate, ano pong tawag sa gulay na'to?" Tanong ko sa katulong.

"Ah, ang tawag diyan ay Pallang" sagot niya. Well, Ilocano terms.

"Ano pangalan niyo ate?" Tanong ko. Kanina pa kasi kami nag-uusap pero hindi ko man lang alam yung name niya.

"Ako po si Magda ma'am"

"Ano ka ba Ate Magda. Nathalie na lang, wag mo na'kong tawaging ma'am" sa tingin ko ay nasa 40's na siya.

Pinutol putol ko yung sitaw gaya ng sinabi ni Ate Magda. Binabad din niya ng asin ang ampalaya. Para daw hindi masyadong mapait. Well, bitter!

"Tapos na ba lahat ng sangkap?" Tanong ni Ate Ysabel.

Chineck naman ni Tita Alicia ang mga sangkap at ngumiti siya. "Yes, let's cook!" Masigla niyang sambit. Para tuloy siyang teenager. 

Ang mga sangkap na nasa harap ko ay bawang, kamatis, karne at yung mga gulay. May nakita din akong kamote.

Nagpaalam na si Ate Magda sa akin at lulutuin pa daw niya yung carbonara at ramen. Tumango lang ako at ngumiti. Ang itim niya! Laki talaga siya sa probinsya.

Lumapit kaming tatlo sa stove. "Una, pakuluan muna natin yung karne at ilagay ang bawang pag nagmamantika na siya" ani Ate Ysabel at sinindian na yung stove.

Gaya ng sabi niya ay nilagay namin ang bawang ng makita naming may mantika na yung karne pagkatapos mapakuluan. Nagevaporate pala yung tubig. Ako yung pinaghalo niya nang mailagay namin yung bawang.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon