CHAPTER 24

135 4 0
                                    


"Buti na lang pala, hindi ko pa inupload 'to" bulong ko habang tinitignan yung mga selfies namin ni Ezekiel sa laptop ko.

Kanina ko pa gustong idelete pero parang nanghihinayang ako kung gagawin ko yun. Kinuha ko yung phone ko sa gilid nang makitang tumatawag si Jude.

"Hello Jude? Oy congrats pala! Gra-graduate na kayo"

"Thanks Nathalie. Saan ka?" Tanong niya.

"Nasa bahay. Bakit?"

"Nasa Danaw kami. Nagcecelebrate ng anniversary nila Jeremiah at Jessica. Sama ka?"

I checked the time, it's already 8pm. Hindi pa kami nagdidinner. Anniversary na nila Jessica at Jeremiah, binati ko na naman sila kaninang umaga. Sayang nga lang at hindi ko nakita yung surprise nila sa isa't isa.

"Nathalie, still there?"

"Ah. Yes, sige. Magpapaalam lang ako kay Tita"

"Sige. Text mo na lang ako pag susunduin na kita. See you!" He said and ended the call.

Although tinatamad akong gumalaw ay pumunta ako sa kwarto nila Tita Sandy. Gusto ko din namang pumunta at mag-enjoy.

"Tita, busy ba kayo?" Tanong ko at binuksan yung pinto ng kwarto nila ni Tito Brend.

"Oh, Nathalie. Hindi naman.  Bakit?" Ani Tita Sandy. Nakaupo lang siya at parang may binabasa. Nakahiga lang din si Tito Brend sa kama at pagod na pagod.

"Tita, anniversary po kasi ni Jeremiah at Jessica. Pwede ba akong pumunta?" Tanong ko. Inilapag niya sa mesa yung mga papel na binabasa niya.

"Nagpaalam ka na ba sa mommy mo? Baka mag-alala yun. Gabi na, gusto mo ba talagang pumunta?"

Napalunok ako. Para akong teenager na nagpapaalam gumala sa labas. Gusto ko ba talagang pumunta? Gusto ko din naman kasing mag-enjoy. Besides, matanda na'ko hindi na ako minor.

"Yes tita. Promise po, hindi ako iinom masyado. I'll text you po pag uuwi na'ko para hindi kayo mag-alala" nakangiti kong sabi.

"O, sge. Mag-ingat ka. May susundo ba sayo?"

"Si Jude po tita. Sige po, magbibihis na'ko" ani ko at dumiretso na sa banyo. Tinext ko muna si Jude at nag-ayos na.

----

"Buti pinayagan ka?" Napatingin ako kay Jude habang nagdri-drive siya.

"Oo naman. Ano ka ba! 21 na ako no! Hindi na ako bata para gumala"

"Ay sorry! Akala ko kasi 12 years old ka pa lang" biro niya at tumawa pa.

"Tss. Whatever!" I rolled my eyes. Buti pa si Jude napapagaan niya yung pakiramdam ko.

Nang makarating kami sa Danaw ay agad kong nakita sila Jessica. Nakaupo sila sa pabilog na mesa. Kasama nila ang ibang teammates nila Jude harap nila ang maraming bote ng San Mig at Tequila. Nakita ko si Ezekiel na nakikipagtawanan kay  Jeremiah.

I sighed. Buti na lang at wala si Precious.

"Happy anniversary guys! Congrats Jeremiah, gra-graduate ka na!" Bati ko kila Jessica at kay Jeremiah. Napatingin sila sa akin.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon