CHAPTER 5

190 3 0
                                    


Pagkadating ko sa bahay, agad kong inilapag sa mesa yung mga pinamili namin ni Reen.

I'm broken. Ganito pala yung feeling na parang nadudurog yung puso mo. Yung feeling na wasak na wasak ka.

I started to cry again. Ano ba talagang problema? I'm not contented with his explanation a while back.

Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako sexy? Mabaho ba ako? Ano? Mababaliw na'ko kahahanap ng rason.

Habang nakatitig sa kisame, I heard my phone ringed. I have a text message.

From: Noreen Macalma

Best, pahinga ka ah? Please, don't stress yourself. I love you!

Napangiti ako sa text ng bestfriend ko. Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong laging nandiyan sa oras na wasak na wasak ka.

I replied.

Thanks best, don't worry. I love you too.

Kailangan kong ipagpatuloy  ang buhay ko. Hindi lang si Tristan ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.

I have my family and friends. I need to move on. I need to continue my life.

Sabi nga ni Ate Zoo one time, life must go on. Desisyon mo na lang kung ipagpapatuloy mong mabuhay sa mundo. Yes, marami pang ibang lalaki diyan. Maybe Tristan and I were not really meant to be.

Tama, kailangan ko ng bagong buhay. Napatayo ako ng kumatok ang katulong para mag-dinner. Ilang oras din kaming tumambay sa mall ni Reen kaya medyo ginabi kami ng uwi.

"Hi, Good evening!" Nakangiti kong bati kay mommy at dad.

Kailangan kong ipakita sa kanila na matatag ako. Na kaya kong mabuhay nang wala si Tristan.

"Oh, good evening princess. Kamusta ang lakad niyo ni Reen?" Tanong ni Dad sakin. Umupo ako sa harap ni mommy. Si daddy yung nasa gitna ng dining table.

"It's okay dad. Marami kaming nabili. Like dresses, shoes and make-ups. Anyway, si Bryle po?" kumuha ako ng pagkain.

"Nasa company pa. Mag-oovertime daw siya. That's good. Kailangan na nating i-extend yung closet mo anak. Hindi na kasya yung mga damit mo sa dami" natatawang sabi ni mom. It's true! Hindi na nga kasya.

"Okay. Anyway, mommy, daddy. I have something to tell you" sabi ko at sumubo ng pagkain.

"Ano yun?" Ani Daddy.

"I want to go to Batac. Gusto ko pong magbakasyon dun"

Agad silang napatingin sa akin na para bang gulat na gulat. Uminom ako ng pineapple juice na binigay ng maid  then I smiled to them.

"Are you sure about that Nathalie?" Tanong ni mommy.

"Yes, mommy" I smiled to assure them.

"But why? Why did you change your mind?" Uminon rin si daddy ng pineapple juice.

"Tama po kayo. Kailangan ko talaga ng rest. I have to relax before I work"

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon