CHAPTER 42

119 5 0
                                    


Pagkarinig ko sa tanong ni Mommy ay napalingon ako sa kanya. Umupo si Reen katabi si Bryle at umupo naman ako sa tabi ni Mommy...

"Why?" Sagot ko

I mean, gusto ko talagang pumunta pero I need to take care of Dad. He needs me.

"Kahit isang araw lang. We sponsored the incoming pageant na dapat ay sasalihan mo, anak. Kailangan ng representative para sa event"

Bigla akong nasiyahan sa sinabi ni Mommy. I'm okay with that! Kahit isang araw lang basta makita ko silang lahat dun. I really miss them!

"Sure, Mommy. I would love that!" Sagot ko

"Sama ako! Pwede?" Singit ni Reen

May pinag-uusapan sila ni Bryle. Mukhang kinikilig pa 'tong bestfriend ko.

"I would love to come pero marami talagang gagawin sa company, Nathalie. Kaya ikaw pa nga ipapadala" Bryle explained

"Sige, Reen! Sama ka para may kasama ako sa biyahe. I'm so excited!" Natatawa kong sabi

Tumawa si Mommy at tumango sa akin.

"Where's Daddy?" Tanong ko

"Nasa kwarto nagpapahinga. Saan kayo galing?" Ani Mommy

"Sa SM po, tita. Nagshopping" sagot ni Reen

Bigla akong kinabahan nang natanaw ko si Manang Linda na papalapit sa amin dala ang meryenda. Shems! Bakit ba ako kinakabahan, that's normal! Hindi na ako minor.

"Salamat, Manang" ani Mommy

Tumango lang si Manang Linda at ngumisi sa akin. Inaasar pa talaga niya ako! I rolled my eyes. Kakausapin ko nga siya mamaya..

Nang matapos kaming magmeryenda ay sabay na si Reen at Bryle na umalis ng bahay. Bryle needs to overtime in work. We're so lucky to have him! Reen needs to pack her things para sa biyahe namin mamayang gabi papuntang Ilocos.

Yes, mamaya na! Kung babiyahe kami mamayang gabi ay may dalawang araw kami doon. Kaya why not later, wala naman kaming ginagawa ni Reen...

Mommy went to their room with Dad. Paakyat na sana ako para magbihis at mag-empake pero namataan ko si Manang Linda na nagpupunas ng dining table. I walk towards her...

Napatingin siya sa akin nang mapansing papalapit ako sa kanya..

"May kailangan ka ba, Nathalie?" Tanong niya

"Manang, kung may balak kang magsumbong kay Mommy, go! I don't mind. Besides, matanda na ako" seryoso kong sabi

Tumawa siya at binitawan ang pamunas niya..

"Ano ka ba, Nathalie! Bakit naman ako magsusumbong! Aysus maryosep!"

Tumawa din ako. Bakit ko ba kasi iniisip yun! Napaparanoid na ba ako? Namimiss ko lang yata si Ezekiel eh!

"Sorry, Manang. Yang mga ngisi mo kasi eh" natatawa kong sambit

"Okay lang! Namimiss ko na tuloy yung bunso ko na kasing-edad mo. May boyfriend na din"

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon