CHAPTER 29

131 4 0
                                    


Nilagyan ni Ezekiel ng rice at pinakbet ang plato ko. Nakita kong nakatingin samin si Precious na para bang naiinis. Halata naman siya masyado.

"Thank you, baby" nakangiti kong sambit kay Ezekiel. Hah! Mainggit ka, bruha!

"Nathalie, ano kaya kung sali ka sa pageant? Ang ganda ganda mo!" Sambit ni Ate Ysabel.

"Oo nga hija. May upcoming event kasi sa September na pageant" ani Tita Alicia.

"I don't think qualified po siya tita. Kasi dapat po taga-Batac talaga ang mga sasali. Taga Manila naman si Nathalie" singit ni Precious. If I know, ayaw niya lang talaga akong sumali.

"Huwag na po tita. Wala po akong hilig diyan, eh" sagot ko. Sumubo ako ng rice at pinakbet. Sarap!

"Okay. Pero kung gusto mong sumali sabihin mo lang Nathalie" ani Ate Ysabel. Tumango lang ako sa kanya. Siguro pag-iisipan ko na lang.

"Hindi interesado si Nathalie ate. Wag niyo na siyang pilitin" seryoso  sambit ni Ezekiel. Kaya napatingin ako sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya sa ilalim ng  mesa. 

"Beastmode ka?" Bulong ko sa kanya. Umiling lang siya at kumain.

"Ezekiel, naalala mo nung mga bata pa tayo? Ayaw nating kumain ng gulay. Tapos tinatapon pa natin sa basurahan yung mga gulay sa plato natin" Precious said while laughing. Siya lang yung tumawa sa sinabi niya.

"Yes. Kasi magagalit sila mommy pag nakita nilang hindi natin yun kinain" sagot naman ni Ezekiel.

Bata pa lang magkakilala na sila. Siguro close talaga silang dalawa? Well, wala akong magagawa. At least, ako yung girlfriend. Ako yung mahal

"Ang dami talaga nating memories nung mga bata pa tayo" nakangisi sambit ni Precious at tumingin sakin.

Oh, tapos? May pakielam ba ako sa sinasabi niya? Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na kumain. Baka magkawrinkles pa ako pag pinatulan ko siya.

Nang matapos kaming kumain ay umakyat si Tita Alicia para magbihis. Pupuntahan niya daw yung mommy ni Precious at may pag-uusapan daw sila. Si Ezekiel naman ay nagbihis din para sa pupuntahan namin. Si Ate Ysabel ay nasa kwarto niya at ka-skype daw ang mga anak niya.

Tumingin ako sa umupo sa gilid ko. Tumabi sakin si Precious sa sofa. No choice pero kami lang yung naiwan dito sa baba. Hindi ko na lang siya pinansin at nanood ng Spongebob sa TV. Akala ko ba aalis na siya?

"5 years old pa lang kami ni Ezekiel ay magkakilala na kami. We're very close. Simula pa lang magkaibigan na talaga kami" ani niya.

Napatingin ako sa kanya at tinaas ang kanang kilay ko. "So?" Mataray kong sagot. Ayokong maging plastic. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi ko gusto na nakikipag-usap ako sa kanya.

"Wala lang. Sinasabi ko lang para makonsensya ka sa mga ginagawa mo" tumayo siya sa harap ko at nilagay ang dalawang kamay sa bewang niya. "You know what, Nathalie? Gusto ko lang namang sabihing magmula nung dumating ka nasira na ang lahat"

"What's your problem, Precious? Wala akong sinira. Kasalanan ko ba kung ako ang mahal ni Ezekiel?" Napatayo na din ako.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon