CHAPTER 23

138 4 0
                                    


"Nathalie? Hello, nakikinig ka ba?" Jessica waved her hand in front of my face.

Reality hits me. Kasama ko nga pala si Jessica at kanina pa siya kwento nang kwento. Pero kanina pa ako natutulala.

"Ahhh. Ano yung sinasabi mo?" Tanong ko at kinuha ang Teen Clash na libro.

Nandito kami sa National Book Store. Ilang araw na ang lumipas magmula nung birthday ng Mommy ni Ezekiel.

"Sabi ko you should read the stories of jonaxx. As in, ang ganda!" Ani niya.

Siya kasi yung nagsuggest na magbasa daw ako ng wattpad para hindi ako mabored at mag-overthinking. Addict kasi siya sa wattpad at lahat na lang yata ng popular stories ay nabasa na niya.

"Oo na. Gagawa ako ng account mamaya at mag-aadd ng stories sa library gaya ng sinabi mo" sabi ko. I rolled my eyes

She just laughed. "Good. Oh, etong Teen Clash at Heartless muna yung bilhin natin. Sa wattpad mo na lang basahin yung mga iba" kinuha niya yung basket na hawak ko.

Naagaw ng pansin ko ang mga nagtatawanang babae sa entrance kaya napalingon ako sa kanila. Nagulat ako nang makita ko kung sino yung isang babae.

"Ano ba bibilhin mo dito, Precious?" Sabi ng isa.

With her bobcut hair and red dress. May dalawang babaeng kasama si Precious.

"May bibilhin lang akong books at nagpapabili din si Ezekiel ng mga gamit niya para sa thesis" sagot ni Precious.

Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit sila. Si Jessica naman ay abala sa mga bibilhin niya.

"Jessica?" Ani Precious nang makalapit samin.

"Oy Precious. Ikaw pala!" Sabi naman ni Jessica. Napatingin siya sakin at parang hindi alam ang gagawin. Syempre alam niya lahat ng nangyari nung birthday ng Mommy ni Ezekiel.

"Oo. I'm here to buy some books and Ezekiel's stuffs for her thesis" ani Precious.

Yung dalawang kasama niya ay medyo lumayo dahil may bibilhin sila. Ang ganda ganda niya! Para siyang supermodel. Bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko.

"That's good! Anyway, this is Nathalie, my friend" pakilala ni Jessica sakin.

"Oh, Hi Nathalie. I'm Precious. Taga dito ka?" Nakangiting sabi niya.

Gusto ko siyang sungitan kasi girlfriend siya ni Ezekiel. Kasi ang ganda ganda niya! Kasi ang perfect niya!

"Hi Precious. No, I'm from Manila. Nagbakasyon lang ako dito" I smiled, a fake one.

"That's good. Mainit dito sa Ilocos no? Saan ka pala nakatira dito?"

Siniko ko si Jessica. Kasalanan niya 'to. Pinakilala pa kasi ako. Alam naman niyang naiinis ako sa bitch na 'to. Well, sorry if I don't really like her kahit ang bait bait niya sakin. Wala siyang alam tungkol samin ni Ezekiel.

"Mainit nga. Malapit lang sa riverside. Kila Tita Sandy Medina" sagot ko.

"Ow, pinsan mo si Saffron? Oh my gosh! Kaibigan ko siya. Schoolmate kami dati sa ICA"

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon