"Hindi ka ba magtwo two-piece?" tanong ni Reen nang naliligo na kami sa pool
Tita Sandy's swimming pool is huge. It has two area, sa isa ay pang bata at dito naman sa kinaroroonan namin ay pang adults. Ang mga boys ay nasa mas malalim. Dito lang kaming mga babae sa mas mababaw...
"Hindi. Nagbago ang isip ko" simple kong sagot
Tinignan ko ang long sleeves na racerback ko. Although naiinitan ako ay wala akong magawa. Damn, Ezekiel! Ginawa niya talaga yun para hindi ako makapagtwo-piece
"Sayang naman yung pinadala ni Tita Nahlia! Seryoso ka talaga diyan?" tanong ulit ni Reen
Kilala niya kasi ako na talagang nagtwo two-piece pag may outing kami. Nawe-weirdn lang siguro ngayon siya kasi ganito ang suot ko. Ayokong sabihin sa kanila ang ginawa ni Ezekiel! Baka asarin lang nila ako at pagtawanan. Ang dami kong hickeys! Pinuno talaga ni Ezekiel kanina sa parte ng balikat at leeg ko...
"Oo nga. Wag nang matanong please"
Tumawala lang sila at hindi na pinansin ang damit ko. Naiinggit ako sa kanila na nakatwo-piece! Jessica is on her orange two-piece at blue naman kay Reen. Okay. Eh di sila na ang sexy! Nakakainis! Gusto ko din magsuot!
Tumingin ako sa banda ni Ezekiel. Nakatitig lang siya sa akin habang nakikinig sa mga kwentuhan. Damn him!
"Baka matunaw si Ezekiel. Tama na muna yan" pang-aasar ni Jessica kaya tumingin ako sa kanya
Nang mag-alas singko na ng hapon ay umahon na kami. Tita Sandy is already home. Nakakahiya at nanggugulo pa ako sa kanya. Pagod siya sa work kaya dumiretso na siya sa kwarto..
"Gusto kong mag-Danaw!" ganadong sabi ni Jessica nang nakaupo na kami sa sala
Katatapos lang naming magbihis at pagod kami sa pagligo. Ezekiel is beside me curling my hair with his index finger. Si Jessica at Jeremiah naman ay nagyayakapan sa harap namin. Well, as usual Jude is teasing Reen again..
"Sure! Gusto ko din!" ani naman ni Reen
Pumayag kaming lahat at umalis na ng mag-alas syete na ng gabi. Kumain muna kami ng dinner dahil yun ang sabi ni Tita Sandy. Mas mabuti daw na may laman ang tiyan namin bago kami uminom at pumarty..
We used Jude's car. Siya na din ang nagdrive. Reen's in frontseat at nasa likod naman kaming apat. Napatingin ako sa labas ng daanan namin ang cultural filled with many Christmas lights and decorations. May malaking teddy bear pa sa harap nito at madaming nagpipicture doon. Gusto ko tuloy bumaba at magpicture doon.. Ready na ang venue para sa pageant bukas! I'm kinda excited..
Naramdaman ko ang paghawak ni Ezekiel sa hita ko. Tumayo lahat ng balahibo ko dahil sa kiliti. Napatingin ako sa kanya at serysoso lang siya na nakatingin sa harap habang nakaakbay ang isang kamay niya.. what is he doing?! Buti na lang at madilim dito. Tanging ang munting ilaw lang ng radio ng sasakyan ang kumikinang.
"Are you okay, babe?" bulong niya sa akin at hinaplos ang hita ko
Napalunok ako! Shet! Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?
Umubo si Jessica kaya hindi na ako nakasagot. Nakita niya kaya? Madilim naman kaya hindi naman siguro napansin at sadyang inubo lang siya..
BINABASA MO ANG
Goodbye is Forever (COMPLETED)
RomanceShe was brave and strong and broken all at once. How would she manage her heart? The Typical Girls #2 Page Nathalie Romero Salvador story.