CHAPTER 16

164 3 0
                                    

"I'm here because of a heartbreaking reason" ani ko at inayos ang laylayan ng dress ko. Umayos ako ng upo sa swing.

"What happened?" Tanong ni Ezekiel.

"I came here because I want to move on with my life. Tristan Aquino was perfect for me----" pagsisimula ko.

Nakatingin lang siya nang seryoso sakin. His eyes was full of sincerity and seriousness.

"3 years kami. We met when I was in college at SLU Baguio. Those times that we were together was so perfect for me. Wala na akong mahihiling pa. Pero isang araw..."

Inabot niya sakin ang isang panyo para punasan ang aking mga luha.

"Nakipagbreak na lang siya sakin without saying any reason or what. I tried to asked him. I begged to him to come back pero wala na daw talaga..." Muli kong pinunasan yung mga luha ko.

I can't help it but to cry. Ngayon ko lang nailabas lahat ng ito. Lahat ng sakit na nakatago sa puso ko ay lumabas.

Lumapit si Ezekiel sa akin at lumuhod para magpantay kami.

"Just cry. Iiyak mo lang. I'm here. Everything will be okay" ani niya while patting my back

"And then one time, nakita ko na lang siya na may kasama siyang ibang babae. Then nalaman ko ikakasal na pala sila. I was helpless and heartbroken..." Mas lalong lumakas yung iyak ko.

He continued to patted my back.

"I begged to him. Sinabi ko sa kanyang mahal na mahal ko siya. But he just said he doesn't love me anymore" hinawakan ko yung dibdib ko na biglang sumikip.

"Are you okay?" Alalang tanong ni Ezekiel.

"Yes. Medyo sumikip lang yung dibdib ko. Siguro kasi masakit talaga"

"That's why you're here to start a new life without him?" Ani niya.

"Maybe. I'm hoping eventually, makakamove on rin ako sa kanya" suminghot ako.

"Nathalie, it's okay. Just enjoy your life. It's natural na masaktan ka kasi nagmahal ka ng sobra. But think of yourself too. Maybe you and that douchebag were not meant to be" mahinahon niyang sabi.

I smiled.

"Oo naman! Marami pang iba diyan no. Tama na nga! Nakakahiya na. Ang drama drama ko" sagot ko at suminghot ulit.

Tumayo siya at naglahad ng kamay.

"Let's go? Baka hinahanap na tayo sa loob"

Oo nga pala. May mga kasama pala kami. Muntik ko nang makalimutan.

Inabot ko ang kamay ko at sabay kaming bumalik sa loob ng bahay nila Ezekiel.

"Oh, saan kayo galing?" Tanong ni Jude nang mapansin nila kami.

"Just outside" simpleng sagot ni Ezekiel.

"Umiyak ka Nathalie?" Tanong ni Jessica. Umupo kami sa sofa.

Patapos na yung pinapanood naming Divergent. Wala manlang akong naintindihan sa movie!

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon