CHAPTER 46

143 4 0
                                    


Nagpalakpakan ang mga tao nang tumayo si Ezekiel. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa umakyat na siya sa stage..

"Do you know anything about this, Nathalie?" tanong ni Jessica sa akin na tama lang para marinig naming lahat sa table

Tumingin kaming lahat kay Jessica. Umiling na lang ako at tinuon ang pansin kay Ezekiel na nakangiti na sa harap. Precious is beside with him. Sa likod nila ay ang mga ibang nanalo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Masama ang pakiramdam ko at gusto ko na lang umuwi dahil sa mga naririnig ko.. what am I? Stupid? Nagegets ko lahat ng sinasabi nila..

Napatingin ako kay Tita Sandy at Tito Brend na nasa likod. Nakatingin sila sa akin na para bang nag-aalala. They are invited too because Tita Sandy is an official of MMSU. With her black dress, she is amazingly beautiful. Kaya siguro bantay-sarado si Tito Brend sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya to assure her that I'm okay.

"How do you feeling tonight, Ezekiel?" tanong ng mc sa kanya

He cleared his throat at kinuha ang mic. Naghihiyawan ang iba at may sumisigaw ng bagay daw sila..

"I'm good! Im enjoying the night. Sana ay nag-eenjoy din kayo. This is an annual event kaya dapat lang ay maramdaman natin ang enjoyment and happiness"

Nagpalakpakan ang mga tao at pinasa ang mic kay Precious na kung makangiti ay wagas. Bago nagsalita ay inayos niya muna ang malaki at makinang na korona sa kanyang ulo. Feeling! Naiirita ako sa kanya! Gusto ko siyang sampalin at ihagis! I'm sorry for being a witch but I just can't really help it..

"Good evening, everyone! I hope you're enjoying the night. In behalf of my family and Franco Family, I would like to thank all the sponsors tonight. Hindi magiging posible ang gabing ito pag wala kayo"

Nagpalakpakan ang mga tao. May magaganap mamaya na recognition of the sponsors ayun sa programa na pinadala sa akin. They will give the token of appreciation one by one sa mga dumalong sponsors.

"Malapit nang grumaduate si Ezekiel! By next month, makukuha na niya ang kanyang diploma. Tonight, I will tell you a secret" pabebeng sabi niya

May binulong sa kanya si Ezekiel at umiling naman si Precious. Sumulyap sa akin si Tita Alicia at Ate Ysabel. Ngumiti ako sa kanila at humarap ulit sa stage. Ang mga tingin ni Ate Ysabel ay makabuluhan. It is something that she wants to tell something to me pero huli na ang lahat..

"May alam ka ba sa nangyayari, Nathalie?" tanong ni Reen nang lumingon siya sa akin

Umiling lang ako at hindi na siya pinansin. Si Jude ay sumulyap din sa akin pero na nagtanong pa. they are all concern to me!

"We all know na sabay kaming lumaki ni Ezekiel ditto sa Batac. We are very close. Bata pa lang kami ay marami na kaming pangarap sa buhay. Ezekiel wants to be mayor someday just like his Dad. That's his greatest dream..."

Hinawakan siya ni Ezekiel at may binulong ulit pero nginitian lang niya ito. Tumingin sa akin si Ezekiel at para bang may gusto siyang sabihin sa akin..

"At highschool pa lang kami noon ay napagkasunduan na namin na sabay mag-masteral sa University of Hawaii at Manoa. Kaya nga umuwi si Ate Ysabel dito para sunduin kami"

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon