Agad akong lumabas nang sabihin ni Manang Linda na nasa labas si Ezekiel. Why is here?
"Babe!" Excited kong sigaw nang buksan ko ang gate
Agad niya akong niyakap at hinalikan. He's wearing corporate attire like Tristan's. Oh my! Oo nga pala. Nasa loob si Tristan..
"Pasok ka. Anyway, babe. Nasa loob si Tristan" ani ko
Pumasok naman siya at dumiretso kami sa loob.
"Tristan?" Tanong niya nang malapit na kami sa entrance
"Tristan Aquino, remember?"
Bahagya siyang napatigil at tinitigan ako. Natatanaw ko na si Tristan na nakatingin sa amin sa sala..
"Your ex? That douchebag?" Seryoso niyang tanong
Nang makapasok kami ay tumayo si Tristan. Kumakain na siya ngayon sa binigay ng katulong kanina na meryenda..
"Tristan, this is Ezekiel my boyfriend. Ezekiel, this is Tristan" pakilala ko sa dalawa
"Yes. Your ex who left you, Nathalie?" Ani Ezekiel
Napalunok ako. He's mad and serious! Sino ba kasi ang boyfriend na hindi magagalit kung ang girlfriend niya ay kasama ang ex niya!
"Hi, Ezekiel! Nice to meet you!" Bati ni Tristan
He offers his hand to Ezekiel but my jealous boyfriend refused it.
Pinaupo ko silang dalawa at sumunod naman sila. Umupo ako sa tabi ni Ezekiel at nagpakuha ako ng dagdag meryenda..
"Why are you here?" Tanong ni Ezekiel kay Tristan
Bakas sa boses niya ang galit. Napainom ako ng Apple juice. Bakit ba kasi ngayon pa bumisita si Tristan? My gosh!
"I'm sorry for hurting, Nathalie. It was my mistake. I'm here to apologize. I'm really sorry"
Nakayukong sambit ni Tristan. Hinawakan ko ang kamay ni Ezekiel. It's okay now. Wala na dapat siyang ipag-alala sa amin ni Tristan
"Well, I hate you for hurting her but thanks because for that, I have her right now. Sa akin lang siya. Walang iba" seryoso pa rin niyang sabi
Napangiti ako. Kinikilig ako! I cleared my throat. Sana maging magkaibigan sila..
"Yes, pare! Don't worry. Hindi ako manggugulo. I have a wife already" natatawang ani Tristan
Tumawa din ako. Pero tong katabi ko ay seryoso pa din. Ano bang problema niya?
Nagkwentuhan kami. I laughed all the time. Nakakatawa pa din ang mga jokes ni Tristan
"Nako! Buti natatawa ka, Nathalie. Pag si Vanessa? Always grumpy!"
"I want to meet her! Naalala ko na naman sa mall noon. Nag-away pa kami" natatawa kong sabi
I remember that time I was helpless. Lumuhod pa ako kay Tristan para lang balikan niya. I was so crazy! Bakit ko ba nagawa yun?
BINABASA MO ANG
Goodbye is Forever (COMPLETED)
RomanceShe was brave and strong and broken all at once. How would she manage her heart? The Typical Girls #2 Page Nathalie Romero Salvador story.