CHAPTER 22

130 3 0
                                    


"Good evening everyone. Today is my special day and the victory party of my son Ezekiel Arcane Franco for being the champion of their team during the Basketball Championship Tournament" pagsisimula ni Tita Alicia.

Nasa kanya lahat ang atensyon ng tao at inaabangan ang susunod na sasabihin niya. Ang ganda ganda niya. Hindi siya nagmumukhang 50. Mukha siyang 30 years old.

"May I call my very own son Ezekiel to come here in the stage for a very important announcement" pagpapatuloy niya  at tumingin kay Ezekiel.

Nagkatinginan kami ni Ezekiel at binitawan niya ang kamay ko na kanina pa niya hawak.

"Punta lang ako. I'll come back immediately" bulong niya sakin. Tumango naman ako at ngumiti.

"Kayo na, Nathalie?" Tanong ni Jude kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi pa" nakangiti kong sagot. Tumango lang siya at binalik sa harapan ang tingin.

Nang makapunta na si Ezekiel sa harapan ay tumabi siya sa kanyang Mommy. Sa Mommy niya nakuha ang brown eyes niya. Kay Mayor naman yung ibang facial features niya.

"Congratulations anak! You made us proud" ani Tita Alicia at niyakap si Ezekiel.

"Thank you Mommy" sagot naman ni Ezekiel.

Nakita ko si Ate Ysabel na kumukuha ng pictures sa harap katabi niya si Mayor.

"And now, this is it. I like you all to meet the daughter of our dear Vice Mayor, Precious An Chua, Ezekiel's girlfriend and fiancé. Let's give her around of applause"

Nagpalakpakan ang mga tao. Naghiyawan pa yung mga ibang bisita.

"Oh my gosh!" Gulat na sabi ni Jessica.

Ezekiel's girlfriend and fiancè?

Napatigil ako sa sinabi ni Tita Alicia. Pati si Ezekiel ay mukhang gulat sa sinabi ng kanyang Mommy. Pati sina Jeremiah at Jessica ay napatingin din sakin. Para bang nag-aalala sila sakin.

Hinawakan ako ni Jude na para bang kinakalma ako. Precious? Girlfriend  ni Ezekiel? Ikakasal na sila?

"Alam mo ba 'to? Sinabi ba ni Ezekiel?" Tanong ni Jude.

Umiling lang ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Sobrang nasasaktan ako at sumisikip ang dibdib ko. Tumayo at naglakad ang isang magandang babae sa harap at tumabi kay Ezekiel. Siya siguro si Precious. Napaka-classy niya. Maputi siya at elegante. Maikli at straight ang buhok niya na hanggang balikat lamang. Naka-long sleeves red dress siya. Makikita mo talaga siyang anak-mayaman.

Tumingin ako kay Ezekiel at nakakunot noo lang siya na parang hindi maintindihan ang nangyayari.

"First of all, happy birthday Tita Alicia! Stay healthy and beautiful tita" ani Precious nang bigyan siya ng mic. Tumingin siya kay Ezekiel.

"Mukhang hindi po inaasahan ni Ezekiel ang announcement niyo tita. Pati po ako hindi ko alam na iaanounce niyo na pala yung tungkol sa amin" hinawakan niya  yung kamay ni Ezekiel nang nakangiti.

Napansin ko din si Ate Ysabel na napatingin sakin. Sa mukha niya ay parang pati siya ay gulat din sa nangyari.

Pinapunta din sa harap ang parents ni Precious. Kasama din si Mayor at Ate Ysabel. Nagpalakpakan ulit ang mga tao.

Para akong naestatwa sa kinauupuan ko ngayon. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon kay Tristan ay biglang bumalik. Gusto kong umiyak.

Tumayo na ako. I can't take this anymore "Excuse me. I'll just go to the restroom" paalam ko sa kanila. Naiiyak na'ko.

Agad akong tumakbo at pumunta sa kung saan. Napaupo ako  sa isang swing na nakita ko. Madilim dito at walang tao. Dito kami nag-usap ni Ezekiel noon kung saan sinabi ko ang tungkol kay Tristan.

Unti-unting bumuhos ang mga luha ko. Ang tanga tanga mo talaga, Nathalie! Hindi ko naman kasi tinanong kung may girlfriend siya. Basta nag-assume lang ako at hindi inisip na posibleng may girlfriend pala siya.

"Ang tanga mo Nathalie, wagas ka kasi kung umasa" bulong ko sa sarili ko. Pinunasan ko ang mga luha ko.

Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ngayon. Hindi ko kasi inalam lahat ng tungkol kay Ezekiel. Basta sinabi ko na lang na gusto ko siya. Kaya pala ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa lovelife niya kasi may fiancè na siya.

"So ano na Nathalie? Iiyak ka na lang ba dito?" Bulong ko ulit. Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko dito.

Ang feeling ko naman para mag-emote ng ganito. Hindi nga kami eh. Ako lang yung umasa. Ako lang yung nag-assume na gusto niya din ako. Pero dapat sinabi niya agad na may mahal pala siyang iba.

"Tapos ka na bang umiyak?"

Napatingin ako sa paligid nang marinig ko si Jude. Hindi ko siya makita kasi madilim ang paligid. Suminghot ako bago sumagot

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko. Pinunasan ko ulit yung mga luha ko.

"Oo. Gusto mo nang umuwi?"

"Mabuti pa nga" sagot ko. Naramdaman kong hinawakan niya ako. Tumayo ako at nagpahila sa kanya papunta sa kotse niya.

Habang nasa biyahe kami, hindi ko ulit maiwasang umiyak. Ano ba Nathalie, ang oa mo na. Bakit ka ba umiiyak eh hindi naman kayo diba?

Hindi umiimik si Jude at seryoso lang siyang nagdri-drive. I checked the time, mag-aalas nuebe na.

"Bakit ka umalis? Baka hanapin ka nila Jeremiah" tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sakin "Nagpaalam ako sa kanila. Ayokong makita kang umiiyak at nasasaktan. Kaya tama na, Nathalie. Your tears are too valuable for him" sagot niya.

"Sorry. Baka sinasabi mo ang oa oa ko na. Hindi ko lang kasi mapigilan" sagot ko at suminghot ulit.

Nang makarating kami sa bahay ay hindi agad ako lumabas. Mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ako makakuha ng lakas para kumilos.

"Hindi ka ba papasok? Magpahinga ka na" ani Jude.

"Salamat Jude. Sorry sa abala" sagot ko at bumaba na ng sasakyan.

"Matulog ka ng maayos. Huwag mo masyadong isipin yung nangyari" ani niya.

Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Nagbusina siya bago umalis.

Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Buti na lang at tulog na silang lahat at hindi nila ako naabutang umiiyak.

Inilapag ko ang bag ko sa mesa. Ang lungkot lungkot ng pakiramdam ko.

Dumiretso ako sa banyo, naligo ako at nagbihis. Pagkahiga ko sa kama ay tumulo na naman yung mga luha ko. Ang oa ko na talaga!

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at nakita ang maraming missed calls at texts. May 20 missed calls si Ezekiel at 3 messages.

From: Ezekiel Franco ♥

Nathalie, umuwi ka na? Where are you?

Please, hindi ko alam yung plano nila mommy. Let me explain.

Hinatid ka daw ni Jude? Mag-uusap tayo bukas. I'm sorry

May message din si Jessica na karereceive ko lang

From: Jessica Soriano

Nathalie, are you okay? Sabi ni Jude hinatid ka na niya pauwi. Magpahinga ka na. Goodnight :)

Nang mabasa ko ang text ni Jessica ay nagvibrate ang phone ko. Tumatawag ulit si Ezekiel. Ayoko siyang kausapin. Gusto ko munang mag-isip at mapag-isa. Kakausapin ko na lang siguro siya pag hindi na mabigat ang pakiramdam ko.

I cancelled his call and turned off my phone. I know I'm overacting. Siguro nabigla lang ako sa nangyari.

"Wala ka pang ginagawa Ezekiel pero nasasaktan mo na'ko" bulong ko habang nakatitig sa kisame.

I sighed and wiped my tears.
#

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon