CHAPTER 30

149 4 0
                                    

"Are you okay?"  Tanong ulit ni Ezekiel.

Tumingin ako sa kanya ng masama. Siguro 100 times na niyang tinanong sakin kung okay lang ako.

"Baby, masasapak na talaga kita. Oo nga diba?" Naiinis kong sagot. Although, kinikilig din ako kasi concern talaga siya sakin.

"Okay, baby"nakangiti niyang sambit at tinignan ang daan.

Nasa biyahe kami ngayon  patungo sa hindi ko malaman na lugar. Surprise daw sabi ng driver at katabi ko ngayon. Ayaw ko namang magtanong ulit kasi baka pati siya ay makulitan sakin. Hanggang ngayon nas-stress pa rin ako sa pag-aaway namin ni Precious kanina. I can still  feel the pain in my scalp and head. Bwisit na bitch yun!

"We're here!" Ani niya at pinark ang sasakyan. Tumingin ako sa labas at natanaw ko ang Danaw Club.

"Seryoso Ezekiel, dito mo lang pala ako dadalhin? Naloko mo ako ah, iniba mo pa talaga yung way kanina"

Bumaba ako ng kotse. Ramdam ko ang init sa balat ko. Gosh, baka umitim na'ko!

"Binabasag mo ba yung trip ko?" Seryoso niyang tanong nang makababa na siya ng kotse.

"Ano sa tingin mo baby?" Nakangisi kong sagot.

Inakbayan niya ako at sabay kaming pumasok sa Danaw. Mag-aalas syete  na din ng  gabi. Hindi ko na naabutan si Tita Alicia kanina kaya baka mag-uusap na lang kami bukas.

"Nathalie!" Sigaw ni Jessica.

"O, Jessica! Nandito pala kayo!" Ani ko at napatingin sa mga kasama niya sa table. Si Jeremiah at Jude.

Tinanggal ni Ezekiel ang pagkakaakbay niya sakin at niyakap ko si Jessica.

"Hi, Nathalie!" Bati ni Jeremiah.

"Hello Jeremiah! Hi Jude!" Kumaway ako at ngumiti. Si Jude ay ngumiti lang ng konti.

Umupo kami ni Ezekiel sa pabilog na mesa. Sa harapan namin ay ilang bote ng San Mig, T. Ice at Matador.

"Ang aga naman ng inuman niyo!" Sigaw ko. Nagpatugtog na kasi sila at nagsisimula nang sumayaw ang mga tao sa dancefloor.

"Syempre! Celebration natin 'to! Gragraduate na ang tatlong unggoy!" Natatawang ani Jessica.

"Celebration na naman? Diba nagcelebrate na tayo?" Ani ko.

"Mas marami! Mas masaya!" Sigaw nilang apat. Natawa na lang ako sa kanila. Inakbayan ako ni Ezekiel at hinalikan niya ako sa pisngi. I blushed.

"Wow naman. Kayo ah! Ezekiel, hindi mo man lang sinabi na nililigawan mo pala si Nathalie. Malalaman ko, kayo na pala!" Ani Jeremiah.

"Ganun talaga, pare! Mas exciting!" Sagot ni Ezekiel.

Uminom ako ng T. Ice. Actually, wala namang naganap na ligawan stage. Agad agad talaga! Pero syempre hindi ko na lang sasabihin. Tinignan ko si Jude na nakikipagtawanan. So far, naiintindihan niya na rin siguro na hanggang magkaibigan lang talaga kami.

"Ano CS niyo?" Bulong ni Jessica na katabi ko.

"CS?" Nakakunot kong tanong.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon