CHAPTER 26

139 3 0
                                    


Tulad ng sinabi ni Ezekiel ay natuloy ang dinner with his family. Shemay, kinakabahan ako. Paano kung masungit pala yung mommy niya?

"Relax, baby" ani Ezekiel at kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya ito gamit ang isang kamay niya habang nagdri drive siya. Oh, butterflies!

"Hindi ko maiwasan, eh. Bahala na" tumingin ako sa binatana. Malapit na kami sa bahay nila.

I'm wearing red long sleeves dress with my silver heels. Gusto kong maging presentable sa harap ng family niya. Dapat maging maganda ang first impression nila sakin. Sabi nga nila 'first impression lasts'

Nang makarating kami sa bahay nila ay huminga ako ng malalim. Mas kinakabahan ako ngayon kaysa nung pinakilala ako ni Tristan sa parents niya. I don't know why.

"Let's go babe. Naghihintay na sila" ani Ezekiel. Tumango lang ako at sabay kaming bumaba ng sasakyan.

Nang makapasok kami sa bahay nila ay hinawakan niya ang kamay ko. He assured me that I don't need to worry. Napatigil kaming dalawa nang makapasok kami sa dining area ng bahay nila.

"O, Ezekiel!" Ani ng Mommy niya at napatingin sa kamay naming magkahawak.

Sa malaking mesa ay nakaupo na silang lahat. Nandito si Precious and her parents na kinabigla namin ni Ezekiel. Shet, anong ginagawa nila dito?

Literal na napanganga sila sa aking presensya at magkahawak pa kami ng kamay ni Ezekiel.

"Mommy, what's this?" Bulong ni Ezekiel sa mommy niya at hinalikan ito sa pisngi.

"So, who's that girl Ezekiel?" Tanong ng mommy ni Precious. Bigla tuloy akong kinabahan. Si Precious ay itinuloy lang ang pagkain niya.

"Parrah, kumain na muna tayo. Maupo na kayo at kumain" ani ng Daddy ni Ezekiel.

Umupo ako sa tabi ni Ate Ysabel at sa kabila ko naman ay si Ezekiel. Kaharap ko si Precious. Tumingin siya sakin pero saglit lang.

"Hi, Nathalie. Buti nakapunta ka" ani Ate Ysabel.

"Yes, ate. Of course I came. Wala naman akong ginagawa" sagot ko.

Tumango lang siya. Nilagyan ni Ezekiel ng rice ang plato ko. Kumuha din siya ng pinakbet at bagnet.

"Thank you" sambit ko

Tumingin ako sa Mommy at Daddy ni Precious. Pareho silang seryoso at parang naiinis sa presensya ko. Well, ang alam kasi nila ay engaged na ang anak nila kay Ezekiel pero bakit umeepal ako?

"So, Ezekiel. Kaibigan mo ba siya?" Tanong ng Daddy ni Precious nang tapos na kaming kumain.

"Uh oh, let the show begin" bulong ni Ate Ysabel. Hindi ko siya gets kaya hindi ko na lang siya nilingon.

"Nathalie, right?" Singit ni Precious. Tinaas niya ang kanang kilay niya

"She is Page Nathalie Salvador, my girlfriend" ani Ezekiel

"What?!" Napatayo pa ang Mommy ni Precious.

Napanganga silang lahat at gulat sa sinabi ni Ezekiel. Si Ate Ysabel ay nakangisi lang at cool na cool na nanonood samin. Bigla tuloy akong kinabahan.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon