CHAPTER 17

150 4 0
                                    


I pouted my lips when I saw  beach wears. Like swimsuit, dress and slipper, etc.

Si mommy talaga! Mas matutuwa pa ako kung pagkain yung ibinigay niya.

"Masusuot ko kaya lahat ng ito dito?" Bulong ko at ibinalik ito sa paper bag.

Umakyat ako ng kwarto. Inilipag ko sa mesa ang sling bag ko at paper bag na bigay ni mommy.

Humiga ako sa kama at napatitig sa kisame.  I'm kinda tired. But it was so fun! May mga friends na ako!

Inabot ko yung phone ko nang marinig kong tumunog ito. I have a text message!

Hi, Nathalie! You are invited to our wedding on Aug. 8, 2016. Be there! Tristan would be glad if you'll come.

-Vanessa

Napabangon ako nang mabasa ko ang text. Walangya! May gana pa talagang magtext 'tong malanding hipon na 'to?!

Where did she get my number? Nakakainis! Ano ineexpect niya pupunta ako sa kasal nila? No way! Magsama sila.

I sighed. Nakaka-highblood, fuck!

"Ate Nathalie, you there?" Ani Saff habang kumakatok sa pinto.

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Hindi ako makatulog ate. Are you busy?"

"Hindi naman. Meryenda tayo?" Tanong ko. Tumango naman siya at sabay kaming bumaba papunta sa dining table.

Nagpaluto lang kami ng palabok at lasagna.

"Anyway, saan ka pala galing kanina ate?" Tanong niya.

She's 19 years old.  Mas matanda ako sa kanya ng 2 years.

"Sa bahay lang ng kaibigan ko" ani ko at uminom ng milk tea.

"Oh my gods. May friend ka na dito ate?" Kumuha siya ng strawberry na inuwi niya at kinain ito.

"Yes. I have 4 friends na. Kanina galing kami sa bahay nila Ezekiel"

Dumating na yung palabok ko at lasagna naman kay Saff.

"Ezekiel?" Tanong ni Saff.

We started to eat.

"Ezekiel Franco. Yung anak ng mayor. Do you know him?" Kumain ako ng palabok ko.

Gulat niyang binaba yung tinidor niya at dahang-dahang tumingin sakin.

"Ezekiel Franco?"  She asked.

"Yes. Why? Magkakilala kayo?"

"Uhm, yes. Schoolmate ko siya noong highschool. Jude and Jeremiah are your other friends?" Sagot niya.

"Oh my gods. As in? Kilala mo sila? Oo, sila" masigla kong sabi.

"That's good ate!"

Mabait talaga siya. Now I know why the maids like Saff very much. Ilan na kaya naging boyfriends niya? She's pretty!

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon