CHAPTER 37

162 4 0
                                    


"Why are you here, Ezekiel?" Tanong ko pagpasok ko ng kotse niya

He started the engine at inayos ang seatbelt niya. Inayos ko din ang seatbelt ko at ang palda ko na hanggang hita ko na lang ang haba dahil sa pag-upo ko..

"May emergency meeting si Dad sa Manila City Hall but he's busy. Kaya ako yung rep niya" seryoso niyang sagot at sinimulan nang magdrive

Ngumiti ako. Akala ko ilang araw din kaming hindi magkikita. Pero wala pang isang araw nandito na siya sa Maynila!

"Paano mo naman nalaman na nasa MCM ako?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya..

"Tinawagan ko si Manong Ben" nakangiti niyang sagot at nagwink sa akin..

Tumawa ako! Kaya pala ganun makatingin si Manong Ben kanina. Sabi ko na nga ba at parang may gusto siyang sabihin..

"Kayo ha! Nasurprise talaga ako. Akala ko nasa training ka buong araw"

"Isusurprise naman talaga kita. I'm glad, it works" ani niya at hinawakan ang kamay ko.

Bale isa na lang ang nasa manibela at nasa hita niya ang magkahawak na kamay namin. Inangat niya ito at hinalikan..

"I love you. Saan tayo today?" Ani niya

"I love you too. Kahit saan. Gusto mo punta tayo sa Manila Bay? Then MOA? Then sa bahay ka na matulog?" Dire diretso kong tanong

Tumawa lang siya at bigla akong hinalikan sa pisngi. Napapitlag tuloy ako at nasapak siya

"Bakit ka ba ganyan, Ezekiel!" Nahihiya kong tanong. Nagblu blush ako for sure..

Dumiretso kami sa isang 24 hrs na restaurant. Sadly, close na pala ang MOA dahil alas dose na... Ang tahimik na ng palagid. Tanging ang mga sasakyan na lamang ang naririnig sa paligid..

We stopped t People's Palace here in Pasay. Tumingin ako sa katabi kong nagtatanggal ng seatbelt. I'm so happy na nandito si Ezekiel! At the same time, umaayos na si Daddy. Thank you so much, Papa G!

"What do you want, babe?" Tanong ni Ezekiel habang nakatingin sa menu na binigay ng waiter..

Honestly, hindi pa ako nakakapunta dito sa buong buhay ko kahit medyo malapit lang sa Pandacan. Well, Mommy has this connections when it comes to restaurants kaya siya lagi ang nasusunod pag kumakain kami sa labas..

"Kahit ano baby. Your choice" nakangiti kong sambit

He ordered our foods and we ate while sharing stories about our lives. Tawa ako nang tawa nang magkwento siya about sa mga babaeng  stalker niya. Nababaliw sila kay Ezekiel. What would I expect? Ang gwapo ng boyfriend ko!

"Ilan na naging girlfriend mo?" Tanong ko

Malapit na kaming matapos kumain. Lumalamig na din. It's already 1:30 am. Ganun na kami katagal. Kami lang ni Ezekiel ang kumakain dito.

"I don't know. Let's not just talk about that" seryoso niyang sabi at uminom ng iced tea

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Hindi ba dapat may karapatan akong malaman kasi girlfriend niya ako?

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon