CHAPTER 9

181 6 0
                                    


Pagkatapos kong kumain, napagpasyahan kong umuwi na. I checked my watch and it's already 5 pm. Uuwi na si Tita Sandy!

I unlocked my phone to dial manong Ben's number. Napatigil ako sa pag-scroll down ng contacts ko when I realized something.

Shet, wala pala akong number niya! Hindi ko hiningi kanina. Pati si manang Pasing at Tita Sandy wala. I sighed. This is gonna be a problem!

Lumabas ko ng 7 eleven. Napatingin ako sa gilid ng cultural. Nagprapraktis na naman sila ng basketball.

Kung magtricycle na lang kaya ako? Pero hindi ko naman alam yung address nila tita. Wala pa akong barya na pamasahe. Oh my gods. Paano ako makakauwi?

Naglakad ako papunta sa harap ng cultural, waiting for a miracle. Baka nag-aalala na sila sa bahay. Napatigil ako at napahawak sa bewang. Oh no!

"Oh sige pare! Mauna na kami. Agan annad ka!" Napatingin ako kay Jeremiah na naglalakad palabas ng cultural. Kasama niya si Jude at nagpapaalam na sila kay Ezekiel. Ano kaya kung magpatulong na lang ako sa kanila?

Tumango si Ezekiel sa kanila at agad umalis sila Jeremiah at Jude. Mukhang nagmamadali sila.

Oh my gods. They're gone. Nagsilabasan na yung mga taong nanood ng praktis kaya mukhang hindi nila ako napansin dito. Napatingin ako kay Ezekiel na naiwan at nakatayo lang habang nakatingin sa phone niya. May hinihintay kaya siya?

Bahala na! Kakapalan ko na yung mukha ko para makauwi. Ayoko namang itext sina mommy at baka mag-alala pa sila at puntahan nila ako dito.

Napatingin pa ako sa mga babaeng wagas kung makatitig kay Ezekiel! Mga haliparot! Feeling niyo naman papansinin kayo ni Ezekiel!

I walk towards to him. Bahala na magmamakaawa na lang siguro ako.

I cleared my throat when I'm already near to him. Napatingin siya sakin.

I looked at the people around us. May mga napapatingin talaga sakin. Lalo na yung mga lalaki. Well, alam na!

"Uhm, hi" pasimula ko then I smiled. He just looked at me as if wala siyang pakielam. "Pwedeng favor? Please?" I said with puppy eyes.

Tinitigan niya lang ako na para bang nagtatanong kung anong sadya ko sa kanya. Shemay! Nakakahiya talaga. Ang snob niya.

"Hindi ko kasi alam kung paano umuwi eh. Nakalimutan kong kunin yung number ng driver namin. Please, tulungan mo naman ako oh" hinawakan ko yung braso niya.

Agad siyang napatingin sa kamay ko na para bang nandidiri. Shet! Agad akong bumitaw.

"Do I know you Miss?" Cold niyang tanong.

Oh my gods. Nagsalita siya! Akala ko naman hindi siya magsasalita the whole time.

"I'm Nathalie. Sa 7 eleven kanina. Right? Diba kasama mo pa si Jeremiah at Jude? You're Ezekiel, right?" Nakangiti kong sagot.

Tinignan niya ako from head to foot.

"Sorry miss but I have to go. I don't talk to strangers" ani niya at tumalikod na siya paalis.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon