Epilogue

334 6 5
                                    


"So, kailan ulit kayo nagkabalikan?" tanong ko kay Jude at Jeanette habang kumakain ng Clover

Tumawa si Jeanette at tinignan si Jude na nasa tabi niya. Sinundot siya ni Jessica sa tagiliran niya na para bang nang-aasar at kinikilig.

"Last month lang, Nathalie" sagot ni Jude

Tumawa kami at inasar sila.. nasa bahay sila ngayon para daw mag-party. Jessica, Jeremiah, Jude and his girlfriend, Jeanette. We're watching Descendants of the Sun pero parang hindi din namin pinapansin ang t.v sa harap dahil sa kwentuhan at asaran namin..

"Etoy ti nayun na ta kankanen yun!" masiglang sambit ni Manang Pasing nang nagdala ulit siya ng meryenda

Siya na lang ang kulang. Balita ko'y hindi pa sila bumabalik ni Precious dito sa Pilipinas. Well, hindi naman ako umaasa na magkakabalikan pa kami. Maybe when the time they comeback, masaya na sila sa isa't isa.. Siguro ikakasal na sila..

"Babe, paabot nga ng Nova" sambit ni Jeremiah kay Jessica

Si Jude at Jeanette naman ay naglalandian. I sighed. Looks like I'm the loner here. Masaya ako para sa kanila. Jeremiah and Jessica are perfect for each other. Swerte sila kasi walang dumaang problema sa kanilang dalawa. Siguro meron man pero maliit lang na bagay..

"Anong handa niyo mamayang gabi, Nathalie?" tanong ni Jessica

It's Dec. 24. Christmas Eve. Excited na ako kasi first time kong magcelebrate ng Pasko dito sa Ilocos.. It will be surely memorable.. Bryle is in his room busy sa work as always. Well, hindi ko masisisi si Mr. CEO! Tito Brend's family went for a date at namili na daw ng lulutuin para mamayang gabi. Mommy is still sleeping...

"Hindi ko pa alam. Bibili palang sila Saff ng lulutuin mamaya"

We spent watching, eating and talking until afternoon. Nang mag-alas kwatro na ng hapon ay nagsi-uwian na sila para makapaghanda sa Christmas Eve. Niyaya din nila akong magsimba mamaya. Pupunta naman talaga kaming lahat to thank God for giving us His only begotten son..

Umakyat ako ng kwarto at humiga. Ilang minuto akong tumitig sa kisame. Ano kayang gagawin ko? Wala pa sila Tita Sandy. Si Mommy naman ay nasa baba kinakausap si Manang Pasing..

Namataan ko ang black na sling bag ko na nakasabit sa gilid. That was the bag I used when we went to Currimao. Bigla kong naalala yung puting bato na binigay sa akin ni Ezekiel.

Agad akong tumayo at binuksan ang drawer na nasa gilid ng kama. I saw the white stone na medyo maalikabok na. Buti na lang at hindi tinapon ng naglilinis dito. Kinuha ko ito at tinitigan. I sighed. Kumikirot ang puso ko..

Kinuha ko ang black na sling bag ko at iniligay ko ang puting bato doon. Nagbihis ako at nag-ayos. I will go to that beach again. I want to feel fresh air from the ocean. Gusto kong mag-isip sa harap ng malawak na dagat..

I chose to wear my purple backless dress at ang aking beige sandals ko from Parisian. Sana nalinisan na si Pinky para magamit ko. Isinabit ko ang black na sling bag sa balikat ko. I'm ready to go!

"Mommy! Lalabas ako!" sigaw ko nang makababa ako sa hagdan

"Where are you going?" sigaw niya

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon