CHAPTER 19

155 5 0
                                    


Nakatayo lang kami ni Ezekiel sa harap ng malawak na dagat. Walang tao sa paligid. Naririnig ko lang ang mga batang nagtatawanan sa loob ng La Playa. Open kasi ang resort.

Naririnig ko ang malakas na alon. Gusto ko tuloy maligo sa dagat. Sana sinabi ni Ezekiel na pupunta kami dito para nagdala ako ng damit. Maybe next time.

May pinulot si Ezekiel sa buhangin at inabot niya ito sakin.

"What's this?" Tanong ko at kinuha ito. Nakita ko ang isang maliit na puting bato.

"Sabi nila kung first time mo daw pumunta sa isang dagat, kumuha ka daw ng isang bato at itago mo ito. When the time that you come back again, isasauli mo din yan dito. It's a way of promising that you would really come back" seryoso niyang sabi.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa bato. Iingatan ko talaga. Inilagay ko ang bato sa loob ng bag ko.

"Sana sa oras na ibalik ko ang batong 'to dito, ikaw pa rin yung kasama ko"

Tinignan niya ako at ngumiti ng konti. Napakaganda talaga ng brown eyes niya. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Sana brown din ang mga mata ko. Pero hindi eh, it's black.

"Do you like me Nathalie?" He asked.  Bahagya akong nagulat. He's very straight!

"Hindi ba halata, Ezekiel?" Simple kong sagot. Kailangan na niyang malaman na gusto ko siya.

Pwede pala yun? Yung ilang linggo ko palang siya kilala pero gustong gusto mo ko na siya. Gusto niya kaya ako?

"I'm very grateful for that, Nathalie" ani niya at tumingin ulit sa dagat.

Medyo nalungkot ako sa sagot niya. May girlfriend kaya siya? Wala naman siguro. Hindi naman niya ako sinasamahan kung meron.

"Do you like someone else?" Tanong ko.

"Let's go. Dumidilim na baka maabutan pa tayo ng ulan"sagot niya. He ignored my question.

I check my watch. It's almost 12pm. Maglulunch na.

Maybe it takes time for him to like someone else. Siguro hindi siya basta basta nagkakagusto sa isang babae. Unlike me, nahuhulog na'ko sa kanya. Baka ayaw niyang pag-usapan ngayon ang nararamdan niya. He's mysterious!

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa sasakyan. Sa buong biyahe ay walang nagsalita sa aming dalawa. I just confessed to him for pete's sake!

Napapatingin ako sa kanya at seryoso lang siyang nagdri-drive. It's kinda awkward. Sana hindi ko na lang sinabi na may gusto ako sa kanya. Nakakahiya! Baka may iba siyang gusto.

Nang tumigil ang sasakyan ay napansin ko ang napakagandang Paoay Church sa harap ko. Nasa Paoay kami!

"It's already 12:30pm. Let's have our lunch" ani niya at bumaba ng sasakyan.

I unbuckled my seatbelt and went out. Natanaw ko kaagad ang simbahan. Gusto ko tuloy magselfie at isend kay Reen. For sure, maiinggit yun.

Sumunod ako kay Ezekiel na nagsimula nang maglakad para pumunta sa isang restaurant. Pumasok kami sa Spam.

I remember wala pa ito nung last na pumunta ako dito. Last na pumunta ako dito ay nung nagfieldtrip kami.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon