CHAPTER 43

122 5 2
                                    


Tita Sandy welcomed us and we directly go to my room. Alas tres pa lang at kailagan pang matulog ni Tita..

I smiled when I opened my room. Walang pinagbago. Nandoon pa din ang mga gamit ko at nakasabit pa din ang mga sling bags ko. Well, ilang linggo lang din naman akong nawala..

"Let's sleep. Inaantok na talaga ako" nakabusangot na sabi Reen at dumiretso sa kama pagkatapos bitawan ang maleta..

"Sige na. Matulog na tayo" sabi ko at pinatay na ang ilaw. Buti na lang at malawak ang kama. Kasya naman kami..

Pagkagising ko ay mag-aalas diez na ng umaga. Noreen is still sleeping. Natawa ako ng nakitang naglalaway at humihilik pa siya...

I checked my phone. Nagtext si Ezekiel kaninang 6:31 am..

'Good morning, babe. Slr, pagod ako kagabi. Nasa Ilocos ka na? See you!'

Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya. Sabi ko na nga ba at pagod talaga siya.. I replied to him na nandito na ako sa Ilocos. Nagtext na din ako kila Mommy na nakarating kami kaninang alas tres

I went to the bathroom to take a shower. I feel so dirty kasi hindi na kami nagpalit ni Reen kanina..

Nang matapos kaming maligo ay agad akong bumaba. Reen is still sleeping kaya hinayaan ko na siya. Tita Sandy is already at work.

"Manang Pasing!" Sigaw ko nang makita siya na nagluluto sa kitchen

"Nathalie! Nako bata ka, namiss ka namin. Kamusta ang iyong ama?" Tanong niya

Lumapit ako sa kanya at tinignan ang niluluto niya. She's cooking pinakbet! I miss that!

"Nagpapahinga na po sa bahay, Manang. Si Manong Ben po?"

"Aba'y nasa labas katulad ng dati. Sinabi ni Ma'am Sandy na may kasama ka daw? Tawagin mo na siya at kumain na kayo ng agahan"

Dumiretso ako sa dining area at umupo. "Tulog pa, Manang! Hayaan na natin at pagod"

Kumain ako ng breakfast. Gutom na ako. Kain na lang si Reen mamaya pagkagising niya.

Habang kumakain ay nag-iisip ako kung anong gagawin ko ngayong araw. This day should be productive. Kasi bukas siguradong magiging busy kami para sa pageant na yan..

"Good morning!!!" Bati ni Reen nang malapit na akong matapos

Nakabihis na siya ngayon at katatapos lang maligo. Buti naman at gising na ang isang 'to

"Kain ka na. Nauna na ako. I'm so hungry kanina"

Tumango lang siya at umupo sa harap ko. Nagsimula na din siyang kumain..

"Manang Pasing! Si Reen po, bestfriend ko" sambit ko nang lagyan ni Manang Pasing ng tubig ang baso ko..

"Hello Reen! Ang ganda ganda niyong mga dalaga. Oo naalala ko ikaw yung bumisita dito noon. May kasama ka pang isang babae"

"Ay opo, manang! Si Ate Faye yun. Nasa Maynila. Buntis kasi siya" ani Reen

Tumango lang si Manang Pasing at bumalik na sa kusina...

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon