Napakamot ako nang makarinig ako ng sunod sunod na katok sa pinto. Ano ba? Lagi na lang ba akong nagigising dahil sa katok?"Nathalie! Wake up! May mga bisita ka darling!" Sigaw ni Tita Sandy.
Napabangon ako when I realized wala pala ako sa Manila. Nasa Ilocos ako for pete's sake!
"Sandali lang po tita!" Sigaw ko at agad tumayo.
"How's your sleep?" Tanong ni tita when I opened the door.
"Okay lang po tita. Sino po yung mga bisita?" Nagtataka kong tanong. Wala naman akong kakilala dito para bumisita sakin.
"Bumaba ka na lang para makita mo sila. O siya, papasok na ko sa work. Alas syete na!" Ani tita.
"Sige tita! Ingat po" sigaw ko nang bumaba siya ng hagdan.
Buti na lang at mabait si Tita. Hindi niya ako pinagalitan kahapon. I just told them the truth at sinabing hinatid ako ng isang new friend. She told me na next time wag ko daw kalimutan na icharge yung phone ko.
Pati sina mommy, pinag-alala ko kagabi. Well, nag-explain din ako sa kanila.
I off the aircon at dumiretso na sa banyo. Maliligo muna ako.
Pagkatapos kong maligo agad akong bumaba. I'm wearing white sleeveless and black cotton shorts. Nagtsinelas lang ako ng havaianas.
"Best! Oh my gods best!" Sigaw ko when I saw Noreen in the living room.
"Best!" Sigaw niya at niyakap ako.
"Ate Faye?" Sabi ko nang tumingin ako sa kasama ni Reen.
"Hi, Nathalie!" Bati niya naman. Sunod ko siyang niyakap.
"Why are you guys here?" Tanong ko. Umupo muna kami sa sofa.
"Magkakilala kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"She's the wife of Kuya Moe best! Kadadating lang nila kahapon galing sa Hawaii" explain ni Reen.
Ate Faye is ate Zoona's bestfriend. Si Kuya Moe naman ay barkada ni ate Zoona at pinsan ni Noreen. Gets niyo ba?
"Si Kuya Moe? Talaga ate? Bakit parang hindi ko nalaman kay Ate Zoona yan? Alam ko lang barkada niya kayo"
"Well, hindi ka naman kasi chismosa best" ani Noreen.
"Sumama ako kay Reen kasi wala siyang kasama. Sakto namang busy si Moe sa work kaya sumama na lang ako sa kanya" ani Ate Faye.
"Best paano mo nalaman dito?"
"Tinanong ko si Tita Nahlia! Inexplain naman niya sa driver yung daan. Kaya, we're here! Kyaaaaaaaa!" Sigaw niya at niyakap ulit ako.
I really miss my bestfriend!
"Ilang days kayo dito?" Tanong ko.
"Sadly, uuwi na kami mamayang gabi best. We're going to Amsterdam na kasi bukas best napaaga kasi napaaga din yung balik nila kuya Moe dito" malungkot na sabi ni Reen.
BINABASA MO ANG
Goodbye is Forever (COMPLETED)
Storie d'amoreShe was brave and strong and broken all at once. How would she manage her heart? The Typical Girls #2 Page Nathalie Romero Salvador story.