CHAPTER 41

128 4 1
                                    

Uminom muna si Ezekiel bago niya sagutin ang tanong ni Daddy. Manang Linda is beside me na naglalagay ng dagdag na ulam. Ngumisi siya sa akin. Damn! Nahihiya ako sa kanya!

"I'm graduating next month, sir. PolSci po. I want to serve our city, just like my Dad"

Bigla kong naalala yung sinabi ng Daddy niya sa akin nang pinatawag niya ako sa munisipyo. Totoo kaya? I almost forgot to ask Ezekiel! Tatanungin ko siguro mamaya

"That's good! Just call me tito, hijo. You have a good plan. Just serve your city with all your heart"

"Yes, tito. Thank you"

Dahil naalala ko na naman iyon ay hindi na naman ako mapakali habang kumakain kami. Paano kilala ni Tito Jeffrey si Daddy? Paano niya nalaman na na-ospital siya? Maybe nabalitaan niya lang noon sa kakilala niya na kakilala din ni Daddy?

Nang matapos na ang mahabang kwentuhan ay hinatid na ni Ate Lyka si Dad sa kwarto niya para magpahinga. Mag-aalas dos na! ganun katagal kami umupo sa dining area at nagkwentuhan. Grabe, close na sila ni Ezekiel!

Sumama ako kay Ezekiel papunta sa City Hall to drop by at SM. Magkikita kami ni Reen na kakauwi lang kahapon from Alabama. He has a meeting and he will be going home after.. I wore my pink off shoulder dress from Maldita. Naiinitan ako kaya ito ang sinuot ko. Besides mag-mamall naman ako kaya this is good. Muntik pa kaming mag-away ni Ezekiel kanina dahil sa damit ko. He doesn't like it pero wala siyang nagawa kasi akong boss. I smirked.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Nasa frontseat ako at si Ezekiel ang nagdridrive. May itatanong pa pala ako sa kanya. Pero paano kung magalit siya sa akin? Ayoko namang magkagalit kami pag umuwi siya ng Ilocos. What would I ask? Kung pupunta ba talaga siya sa US for his masteral? Kung iiwan niya ba ako?

Tumingin ako sa kanya at seryoso siyang nagdridrive. Malapit na kami sa City Hall. Konti na lang ang oras bago kami magkalayo ulit. Maybe tanungin ko na lang siya through phone?

"What is it, babe?" tanong niya na hindi tumitingin sa akin

He noticed it! Sobrang matagal na ba akong nakatitig sa kanya kaya napansin niya ako? Ano bang sasabihin ko? Damn! I'm so speechless.

"Where are you going, Ezekiel?" mahinahon kong sagot

Hindi ko siguro kakayanin kung iiwan niya ako. Okay lang naman sa akin kung sasabihin niya ng maaga. Basta babalikan niya ako at hindi siya gagawa ng ikakasira naming dalawa. My heart starts to pound.

"What? Diba sa City Hall and I will drop you at SM?" sumulyap siya sa akin

He's fucking serious! Kung totoo man ang sinabi ng Daddy niya ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi niya ba sasabihin sa akin? Hindi na ba siya pupunta kaya hindi na niya binabanggit ito? Shet, overthinking!

"Sabi ko nga. I'm sorry" mahina kong sabi

Tumingin ulit ako sa labas. Tanaw ko na ang matayog na City Hall. He's leaving. Parang sumisikip ang puso ko dahil magkakalayo na naman kami. Akala ko ibababa niya ako sa City Hall para lakarin ko na lang papunta sa SM pero diniretso niya ito sa harap ng mall at tinigil ang sasakyan..

"Are you okay, babe? Do you have any problem?" ani niya

He unbuckled his seatbelt and hugged me. I need to be happy. May meeting siyang aattend'n kaya dapat okay kami. He needs to concentrate. Niyakap ko siya pabalik

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon