CHAPTER 20

149 4 0
                                    

Nagising ako sa sunod sunod na katok ng pinto. See? May free alarm clock na talaga ko.

"Nathalie, anak! May bisita ka" sigaw ni Manang Pasing.

I looked at the wall clock. It's already 10:30am. Ang haba ng tulog ko.

"Sige po manang. Sabihin mo maliligo lang ako" sigaw ko.

Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas.

Sino naman kaya yung bisita ko? Hindi naman si Reen at Ate Faye for sure! Nasa Amsterdam sila eh.

Pagkababa ko ay medyo nagulat ako nang makita ko si Jude. May dala siyang bulaklak at chocolates.

"Oh, Jude! Napadalaw ka?" Ani ko.

Inabot niya yung flowers at chocolates sakin. Kinuha ko naman ito. "Thank you! Nag-abala ka pa" nakangiti kong sabi.

"Nagising ba kita? Hindi na kita tinext kasi gusto sana kitang isurprise" nakangiti niyang sabi.

Gwapo naman si Jude. Mukha siyang playboy. Ilan na kaya yung naging girlfriend niya?

"It's okay. 10am na pala hindi ko namalayan" sagot ko. Umupo kami sa sofa.

"May lakad ka ba? Labas tayo?" Tanong niya.

Napaisip ako. Wala naman akong gagawin ngayong araw na ito. Busy din kasi si Ezekiel sa thesis nila kaya wala akong makukulit ngayon. Wala namang masama kung lalabas kami diba?

"Sure. Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Wanna watch a movie? Maganda daw yung Camp Sawi"

Nilapag ng katulong ang dalawang baso ng juice sa mesa na kaharap namin.

"Uminom kay pay ti juice ma'am, sir" ani ng katulong

"Thank you ading!" Ani ko. Mas bata kasi siya sa pagkakaalam ko.

Inabot ko sa kanya yung flowers and chocolates na dala ni Jude para ilagay sa vase ang flowers at sa ref naman yung  chocolates.

"Camp Sawi? Baka naman maiyak ako diyan!" Nakangisi kong sabi.

"Jude? Jude!!!!" Ani Saff.

Napatingin kami sa kanya sa baba ng hagdan. Mukhang kagagaling lang niya sa taas at kagigising.

"Saffron Bree? You're here! Nagbakasyon ka pala?" Ani ni Jude.

Magkakilala pala sila? Sabagay kilala nga niya si Ezekiel, eh.

"Oo, nung Sunday lang ako dumating. Kumusta ka na?" Lumapit si Saff sa amin at umupo sa tabi ko.

"I'm okay. Ikaw? Gumanda ka ah!" Ani Jude.

"Magkakilala pala kayo?" Tanong ko para hindi ma-op.

"Ah yes ate. Tulad ni Ezekiel, schoolmate ko din siya sa ICA dati" ani Saff.

Tumango lang ako at uminom ng orange juice.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon