CHAPTER 34

134 4 10
                                    


The next day, maaga akong nagising para sa 2nd day practice namin. I really can't believe it. I never thought na sasali ako sa mga beauty pageants but here I am exerting effort to win.

Inayos ko ang saril ko at bumaba na para sa breakfast.

"Thank you, Manang Pasing!" Masigla kong sabi nang ilapag ang pagkain sa harap ko.

Tita Sandy is already at work as usual. Tinignan ko ang orasan sa taas ng mga picture frames. It's already 8am. Teka, ngayon ko lang nakita 'tong wall clock dito ah?

"Masaya ka ngayon Nathalie, ah. Inlove yata ang dalaga namin" nakangising sabi ni Manang Pasing

Kumuha ako ng fried rice at bacon. I need to control my eating habit. Ayoko namang magmukhang higante sa pageant

"Ay, inlove agad manang? Hindi ba pwedeng masaya lang talaga?" Sagot ko at sinimulang kumain 

Although inlove naman ako kay Ezekiel Arcane Franco..

Tumawa lang siya at iniwan na ako para maghugas daw ng pinggan. I look at my phone when I heard it ringed.

From: Ezekiel Franco ❤

Good morning, baby! I love you.

Napangiti ako. Namimiss ko na tuloy siya kahit nagkita naman kami kagabi 

I love you too, baby.

I replied when I was already on my car. Dinala ko si Manong dahil tinatamad akong magdrive patungong cultural.

Habang hinihintay ang reply ni Ezekiel at nakatingin sa madadaanan namin, my phone ringed. A call from Mommy.

"Good morning, Mommy!" Masigla kong bati. Well, I really miss her a lot.

"Nathalie..." Malungkot niyang sagot

"Mommy.. Is there a problem? Are you okay?" Alala kong tanong.

Tumingin ako sa labas at nandito na kami sa cultural. Nagpark si Manong sa gilid at hinihintay na lang akong bumaba.

"Nathalie.... Your Dad" umiiyak niyang sagot

What about Daddy?!

"Why Mommy? What about Daddy? Please, tell me" I asked.

"Your Dad is in the hospital. Nawalan siya ng malay kaninang madaling araw. I'm in our house para kumuha ng mga personal things" malungkot niyang sagot.

I frozed for a moment. Daddy is in the hospital! Daddy is sick. Bigla akong naiyak.

"Mommy, is he okay? Anong sabi ng mga doctor?" Naiiyak kong sambit. 

Hindi muna ako lumabas ng sasakyan. Sinenyasan ko si Manong na maghintay muna ng saglit. What the hell? What happened to Daddy?

"Wala pang resulta anak. I want you to come here as soon as possible. Your Daddy needs you.."

"Yes, Mommy. I'll be going home tonight. Just promise me na mag-ingat ka at alagaan mo si Daddy. Alright, Mommy?" Mahinahon kong sabi 

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon