Nagising ako na masakit ang ulo. Damn, hangover! Nakarami din ako kagabi. Buti na lang at hindi kami nadedo. Nakauwi pa kami ng buhay!Umuwi na rin sina Reen kagabi. Buti na lang at may dala silang driver. I looked at the wall clock, it's already 11 am. Wala na si Tita for sure nasa work na yun. I wonder kung bakit hindi ko nakikita si Tito Brend. Sabagay, late na siyang umuuwi ng gabi at maaga naman sa umaga.
Pag ako siguro si Saff, magtatampo ako. Halos hindi na sila nagkikita sa ganitong set-up eh.
Bumaba ako then I went to the dining table.
"Good morning Nathalie! Mag-breakfast ka na" nakangiting bati ni manang Pasing
Ngumiti lang ako. Tinatamad akong magsalita.
Kumuha ako ng fried rice at red egg. Kumuha rin ako ng bacon.
Anyway, pupuntahan ko pala si Ezekiel ngayon sa cultural! Baka nagtatampo na yun kasi hindi ko siya nilibre.
Asa ka naman Nathalie! Wala nga siyang pakielam sa'yo eh.
Mamayang hapon na ako pupunta. Same time naman siguro yung praktis nila.
Bigla akong nalungkot pagkatapos kong kagatin yung bacon ko. Shet, I need new friends na talaga. Mamamatay ako sa lungkot dito sa Ilocos! Si Ezekiel, Jeremiah at Jude kaya?
No. Mga lalaki sila. Hindi kami magkakasundo for sure. Kailangan kong maghanap.
Pagdating ng hapon agad akong naligo para sa lakad ko. Sana kinuha ko yung number ni Ezekiel! Para alam ko kung saan siya.
Hindi ko na kwinento kila Reen yung tungkol kay Ezekiel. For sure, pagtatawanan lang ako ng mga yon kasi may bago na akong crush after a long time.
Oh my gods. Crush ko na si Ezekiel!
I'm wearing sleeveless jumpshorts paired with my gladiator sandals.
Inayos ko yung yellow sling bag ko. Kinuha ko yung susi na nakasabit sa kwarto at nagpaalam na kay manang Pasing. Buti na lang at pinadala ni mommy si Pinky! Para naman hindi ma-hassle si manong Ben.
I parked my pink car in front of 7 eleven. Sa gilid ng cultural. Napatingin ako sa loob at napangiti nang nakita kong nagprapraktis sila.
Pumasok ako sa loob at agad hinanap si Ezekiel. Umupo ako sa bench. Hihintayin ko na lang siguro siya.
I automatically smiled when I saw him dribbling the ball. Shet, ang gwapo niya talaga.
May narinig na naman akong sumipol. I just ignore it. Alas kwatro pa lang naman kaya baka mamaya pa matatapos yung praktis nila. Manonood na lang ako.
"Nathalie!" Sigaw ni Jeremiah nang makita niya ako.
"Hello, Jeremiah" I said at kinawayan siya. Napatingin tuloy yung mga ibang players sakin. Agad naman nilang tinukso si Jeremiah.
Tumingin lang ng isang beses si Ezekiel at tumalikod na para kunin yung bola. Snob!
After 30 minutes, natapos na ang praktis nila. Agad akong lumapit sa players nang naglabasan na yung mga tao.
BINABASA MO ANG
Goodbye is Forever (COMPLETED)
RomanceShe was brave and strong and broken all at once. How would she manage her heart? The Typical Girls #2 Page Nathalie Romero Salvador story.