CHAPTER 8

202 5 0
                                    


Umupo ako sa gitna ng minipark kung saan malapit sa nakaparadang bus.

"Vigan! Vigan! Para Vigan, apo!" Sigaw ng dispatcher ng bus. Tumingin ako sa paligid. Maraming nagde-date na karamihan ay estudyante.

Harap ng minipark ang Imelda Cultural Center na pinangalan sa asawa ni Ferdinand Marcos. May mga nagbabasketball sa loob nito.

"Miss, taga ditoy ka?" Tanong ng isang babaeng tumabi sa gilid ko. Nakauniform siya ng white tshirt at green na jogging pants na may logong MMSU. I think p.e uniform.

"Ano po?" Tanong ko sa kanya.

"Damdamgek nu taga ditoy ka" ani niya. Oh my gods. Hindi ko siya maintindihan.

"Sorry. Pero hindi kasi ako nakakaintindi ng Iloko eh. Taga- Manila ako" nakangiti kong sabi. Napakamot tuloy siya ng ulo.

Maitim siya at mukhang sakitin. Ang payat niya kase!

"Oh, sorry Miss. Kaya pala ang kinis ng balat mo! Ang ganda ganda mo, laking Maynila ka pala"

"Oo eh. Nagbakasyon lang ako dito" sagot ko sa kanya. Mukha naman siyang mabait.

"Wala kang kasama? Mag-isa ka lang?"

"Oo. Sanay na'kong mag-isa eh" nakangisi kong sagot.

"Wow, hugot ba yan Miss? Ang lalim ah!" Natatawa naman niyang sabi.

Pagkatapos umalis ng bus sa harapan namin may sumunod naman agad na nagparada.

"Oh, Badoc! Badoc! Nalawa pay!" Napakunot ako sa sinabi ng dispatcher. Now, I'm really lost to their language.

"Ano daw?" Bulong ko sa sarili ko.

"Sabi niya, Badoc daw maluwang pa. Sige, una na ako Miss. Bye!" Ani niya at umakyat na ng bus. Ngumiti lang ako sa kanya at kinawayan nang umalis na ang bus.

Siguro sa Badoc siya nakatira. Pero bakit dito pa siya nag-aaral? Diba medyo malayo? Ang weird.

So what now? Anong gagawin ko dito? Hindi naman pwedeng nakaupo lang ako dito.

Tumayo ako  at naglakad papunta sa cultural. Papanoorin ko na lang siguro yung mga nagbabasketball. Malay mo makakita pa ako ng gwapo!

Habang naglalakad tinext ko si Reen.

Best, namamasyal ako. Shet, ang boring! Hindi ko pa maintindihan yung mga pinagsasabi nila.

Agad kong tinago sa bag ko yung phone ko nang nasend ang text. When I entered the cultural, napatingin lahat ng lalaking nagbabasketball sakin.

Oh my gods. Bawal ba ang babae dito? Pero manonood lang naman ako. Tumingin ako sa paligid, may mga babae din namang nanonood.

Humanap ako ng pwesto at umupo doon. May narinig pa akong sumipol sa paligid. Ang creepy!

Nanood naman ako ng basketball. Shemay! Ang gagaling nila. Feeling ko malapit na ang laro nila kaya todo sila kung magpraktis.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon