CHAPTER 49

212 3 0
                                    


"Do you need anything ma'am? Water, coffee or juice?" tanong ko sa pasaherong sa tingin ko ay American

"Nothing. Thank you!" sagot naman niya

Ngumiti ako at ginala ang kabuuan ng loob ng eroplano. Nilingon ko si Reen na tinatanong din ang ibang pasahero kung may kailangan ba sila o kung okay lang ba sila. Nang tignan niya ako ay sumenyas ako na papasok na ako sa lounge ng flight attendants.. tumango siya at sinabing susunod na din siya..

"May dalawang oras pa tayo hanggang sa Heathrow. Magpahinga muna tayo" sambit ni Queenie, katrabaho ko..

It's been almost two years when we applied at Cebu Pacific as flight attendants. Buti na lang at inaya ako ni Reen para mag-apply and luckily natanggap kami. Pero before kami natanggap as FA, madami kaming hirap na pinagdaanan. Maraming requirements at qualifications para makamit ang ganitong trabaho. We applied all the knowledge that we learned at SLU..

"Oo nga, eh. Inaantok pa ako. Hindi ako masyadong nakatulog kanina" sagot ko

Uminom ako ng kape para hindi ako makatulog. It's 2 am in the morning. Gusto ko man umidlip ng konti ay hindi pwede. We need to take care of the passengers in the airplane. Hangad namin ang maayos at mapayapa nilang flight..

"Grabe! Pagod na ako!" reklamo ni Reen pagkapasok niya ng lounge

Inagaw niya ang kape ko at uminom din. Kahit isang taon na kami sa trabaho ay hindi pa rin kami sanay sa ganitong flight na madaling araw na. ngumiti ako nang makitang nagtext si Mommy..

From: Mommy

Anak, anong oras ang uwi mo bukas? Take care!

Masaya ako kasi okay na din si Mommy. Naging okay siya last week of January last year. Nagpapasalamat talaga ako sa mga doctor at psychiatrist na tumulong sa kanya. Bryle became the CEO. Unti unting umangat ang kumpanya hanggang sa naging stable na ito gaya ng dati when Daddy was still here. Buti na lang at pinayagan ako ni Mommy na magtrabaho..

"Nathalie, anong gamit mong lipstick? Ang ganda!" tanong ni Franzine kaya napatingin ako sa kanya

"Maybelline lang. Touch of Nude" sagot ko

"As in? Sige bibili nga din ako ng ganyan!" nakangiti niyang sabi

Nagtawanan kami at nagchikahan about sa make-up. As flight attendants, we need to be presentable always. We need to our make-ups and always tie our hair. Hanggang ngayon nacucute'n pa din ako sa uniform namin na maong skirt matched with yellow polo shirt. Agaw pansin ang aming blue scarf at nakasumbrero kami ng kulay brown with our nude heels..

"Oh my gosh! Guys, may secret pala ako na sasabihin. Wag niyong ikalahat, ha?" ani Queenie kaya natuon ang pansin namin sa kanya.

Sa isang taon na pagsasama namin ay ngayon lang siya magsasabi ng secret niya..

"Ano yun?" tanong ni Reen

"May crush ako! Ang gwapo gwapo niya. Sana maging pasahero ko ulit siya" kinikilig niyang sabi

"Ay, ang lantod ah! Anong pangalan?" tanong ni Franzine

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon