CHAPTER 48

163 4 0
                                    

Sana may mga bagay na kaya kong ibalik. Sana kaya kong itigil ang oras at ilayo ang mga di kanais nais na pangyayari. I hope I can predict what will happen in the future..

Marami ang nagbago simula nang mawala si Daddy. Bumagsak ang kumpanya at hanggang ngayon pilit itong sinasalba ni Bryle kaya lagi siyang pagod sa trabaho.. Minsan na lang siya umuwi dito sa bahay kaya minsan na lang din kaming magkita at mag-usap..

Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ni Mommy at Daddy dala ang tray ng pagkain..

"Mommy, kumain ka na" mahinahon kong sabi

Nilingon ko si Mommy na tulala sa kawalan. She's depressed for almost a month now. Hindi niya kinaya ang pagkawala ni Daddy kaya siya nadepress. Masakit sa pakiramdam na nagkakaganito si Mommy.. Alam ko ang sakit na nararamdaman niya. I have also a chance to get depressed pero lumalaban ako kasi kailangan ako ni Mommy. Walang lalaban kapag pati ako ay dumagdag pa sa problema...

Hindi niya ako pinansin at tuloy pa din ang pagtitig niya sa labas ng bintana. She aged a bit now because of her condition... Isa pa sa pinag-gagastusan namin ang psychiatrist niya at ang regular check up niya.. It's okay. Kahit maubos ang pera namin basta bumalik lang siya sa dati...

"Mommy, ilalagay ko dito sa mesa ang pagkain mo sakaling magutom ka" ani ko at lumabas ng kwarto

"Ayaw niya pa ding kumain?" Tanong ni Manang Linda pagkababa ko

Umiling ako at umupo sa mesa para maghapunan. It's been a month na ganito ang nangyayari dito sa bahay. mag-isa akong kumakain dito sa hapag..

"Kumain ka na, Nathalie"

Lumabas si Manang Linda at naiwan akong mag-isa. Huminga ako ng malalim at pilit na nginuya ang kinakain ko. Ayoko nang umiyak. Pagod na ako. Sa tingin ko'y ubos na ang aking mga luha dahil sa araw-araw na pag- iyak ko..

Reen is always visiting me. Minsan siya ang kasabay kong kumakain. Kahit papaano ay malaki ang naitulong niya sa akin sa nagdaang araw.. She wanted to live here for a while para daw may kasama ako pero tumanggi ako. Marami din siyang kailangan gawin. Pinagtratrabaho na siya ng parents niya para daw may magawa sa buhay.. although mayaman naman sila kaya kahit hindi siya magtrabaho ay okay lang..

"Ma'am, nasa labas na naman po si Sir Ezekiel" ani ng katulong

Umiling ako at alam niya na ang gagawin. Ezekiel is always visiting me pero hindi ko siya ineentertain. Hindi ko alam. Ayaw ko siyang makita o makausap. Magulo pa din ang utak ko at marami akong problema na dapat unahin.. I know magsasawa din siya sa papgpunta dito. Mahal ko siya pero mas mahal ko si Mommy..

"Bryle, is everything okay?" tanong ko kay Bryle one time na umuwi siya

"I'm getting there, Nathalie. Konti na lang makukuha ko na ang deal sa mga handang tumulong sa akin" sagot niya at dumiretso na sa kwarto niya para magpahinga

Bryle will be the next CEO if the company will survive. Mahirap patakbuhin ang isang kumpanya na walang namumuno. Buti na lang at hindi din sumusuko ang ibang board of directors kaya may pag-asa pa ang kumpanya..

Tumango ako at hinayaan na lang siya. Pumasok ako sa kwarto ni Mommy para kamustahin siya. Walang pinabago si Mommy kahit isa sa kwarto nila ni Daddy. Nandoon pa din ang mga gamit ni Daddy. Ayaw niyang palabhan ang mga unan at blanket na ginamit ni Daddy. Lagi niyang sinasabi na babalik pa daw siya. Babalik pa daw ang pinakamamahal niyang asawa..

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon