CHAPTER 21

140 4 0
                                    

Mabilis ang panahon at ngayong araw ay Saturday na. Birthday na ng mommy ni Ezekiel.

Early dinner daw yun kaya may ilang oras pa ako para maghanda.

"Saff,  sama ka sa bahay nila Ezekiel? Birthday ng mommy niya" Tanong ko kay Saff na kaharap kong kumakain ng breakfast.

"Birthday ni Tita Alicia? Oo nga no! August pala yung birthday niya" ani Saff.

"Yep. Kilala mo ang mommy ni Ezekiel? Close kayo?" Tanong ko.

Bigla siyang nagulat sa tanong ko.

"Uhm.. Yes, kilala ko siya. Iniinvite kasi ako ni Ezekiel noon" sagot niya.

"Oh, okay. So, sasama ka? Early dinner daw"

"Wag na ate. May lakad ulit kami ng mga friends ko. Babalik na kasi ako sa Baguio next week" malungkot niyang sabi 

"As in, next week na? Ang bilis naman! Sabagay 2 weeks lang" ani ko at uminom ng fresh milk.

Napag-usapan lang namin yung about sa OJT niya. Incoming 4th year na siya kaya magiging busy talaga siya para sa thesis nila.

Pagkatapos naming kumain ay agad siyang nagbihis para sa lakad nila ng mga kaibigan niya

Para hindi ako mabored ay nanood ulit ako ng Korean drama. Magbibihis ako mamayang mga 3pm. Susunduin kasi ako ni Ezekiel ng 5:30.

Pinanood ko yung Descendants Of The Sun. Oh my gods! Song Joong Ki! Sarap iuwi sa bahay! Ang perfect ng mukha niya. Ang gwapo gwapo!

I paused the  media player when I heard my phone. Nagtext si Ezekiel.

From: Ezekiel Franco ♥

Itext mo na lang ako later if nakabihis ka na. Wag masyadong magpasexy. Okay? :)

Napangiti ako sa text niya. Agad akong nagreply.

Yes. Don't worry :*

Ramdam na namin sa isa't-isa na may something talaga. Parang M.U, ganun? Shet, kinikilig ako!

Napatigil ako sa pagngiti nang makita kong tumatawag si Mommy. Sinagot ko agad ito.

"Hello mommy?" Sagot ko. Bigla ko tuloy siyang namiss.

"How are you na anak?"

"I'm fine my. May lakad ako mamaya. Birthday po ng mommy ng kaibigan ko" inilapag ko yung laptop sa kama at umupo ako ng maayos.

"You have friends na diyan? That's good anak! Just take care of yourself. Alright?"

"Yes, mommy. You too. Tell daddy, I miss him na. I love you!"
"Yes, I will. Love you too! Sige, I'll hang up na" ani niya and she ended the call.

Namimiss ko na sa Manila. I miss Pandacan! Gusto ko na tuloy umuwi.

Nang mag-3pm na ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Ano kaya isusuot ko? Sabi ni Ezekiel formal attire daw. Kasi marami daw bisita. Karamihan ay mga politics.

Goodbye is Forever (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon