Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa usapan namin ni Ezekiel kagabi. Today is Sunday kaya walang work si Tita Sandy. Hindi ko pa alam kay Tito Brend.
Napag-usapan kasi namin ni Ezekiel na bibisita siya dito sa bahay at sasabihin namin kila Tita Sandy na kami na.
"Good morning baby!" Masigla kong sabi nang sinagot ko ang tawag ni Ezekiel.
Ewan ko ba kung bakit 'baby' ang tawagan namin. Siya kaya yung unang tumawag sakin niyan, eh di just go with the flow na lang.
"Ang energetic natin, ah? Kagigising mo lang baby?" Sagot naman niya.
Kinusot ko yung mata ko at tumayo para maligo. "Yes, baby. Maliligo na ako. See you later!" Kinuha ko yung towel ko at dumiretso na sa banyo.
"Okay. See you, love you baby!"
Napangiti ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na talaga " Love you too" I said and ended the call.
Ang landi ko talaga! Isang buwan pa lang ako dito sa Ilocos, pero may boyfriend na agad ako. Well, masarap mabuhay
"Tita!" Tawag ko kay Tita Sandy nang maabutan ko siya sa dining table. Nagpre-prepare siya ng breakfast.
"Oh, Nathalie. Maaga ka yata? Magsisimba ka?" Tanong niya at tinignan niya ako.
Nagsuot lang ako ng maong short at simpleng t-shirt. Basa pa ang buhok ko dahil hindi ako nagblower. Ang init init kasi.
"Hindi po tita. May bisita po pala ako, on the way na siya"
"O, tamang-tama para sa breakfast. Kaibigan mo? Saan na daw siya?" Ani niya at inilipag ang mga pinggan sa mesa.
"Basta po tita. Malapit na daw siya kaya labas na'ko para salubungin siya"
Tumango lang siya at lumabas na ako ng bahay. Napansin ko si Manong Ben na nagpupunas ng sasakyan. Hindi kaya siya nagsasawa sa ginagawa niya?
"Good morning, Manong Ben!" Masigla kong bati.
"O, Nathalie! Ang aga natin ngayon, ah?" Sagot niya.
"Opo. May bisita po kasi ako. Sige, labas lang ako manong" tumango lang siya at naglakad na ako palabas ng gate.
Bumusina ang kotse ni Ezekiel at nagpark siya sa gilid.
"Iba na naman yang sasakyan mo? Ang dami mong sasakyan, ah?" Ani ko at lumapit sa kanya nang makababa siya
"That's life" simple niyang sagot at hinalikan ako. Ang sweet niya talaga!
"Pasok na tayo. Naghihintay na si Tita Sandy sa loob" tumango lang siya at sabay kaming pumasok ng bahay.
"Sir Ezekiel! Kayo pala. Ang tagal niyo nang hindi pumupunta dito, ah!" Ani ni Manong Ben nang mapansin niya kami.
"Hello po, manong. Busy lang po tsaka wala naman po kasi si Saff na bibisitahin ko tulad ng dati" sagot ni Ezekiel.
Siguro close sila ni Saff dati, no? Kasi pansin ko na may alam talaga sila sa isa't-isa.

BINABASA MO ANG
Goodbye is Forever (COMPLETED)
RomanceShe was brave and strong and broken all at once. How would she manage her heart? The Typical Girls #2 Page Nathalie Romero Salvador story.