***
Yelle Dianne Francine Villanueva
Alam mo yung feeling na isang iglap pumayag kang magpakasal, isang iglap part kana ng pamilya ng in-laws mo, tapos ngayon eto mag-aayos na ako ng mga dapat gawin sa kasal.
OH.MY.GOD!!!! Ikaw nga ni ate Miguelle, actually andito kami sa mall ngayon nagtitingin tingin ng mga sapatos pangkasal. Oh diba?
Actually, super star ang kasama ko, I mean super sikat na model ang kasama ko ngayon. Nabanggit ko na bang international model ang sideline ni ate Miguelle? Kung hindi pa, ngayon alam nyo na.
Bongga 'to si ate eh, ang mga kaibigan mga sikat dito sa Pilipinas, marami din sa international kaso wala akong kilala. Care ko ba sa kanila, eh hindi nga ko kilala nung mga yun eh.
Pumasok kaming topshop dito sa may MOA, mejo nakadisguise nga si ate Miguelle dahil 'di sya pwedeng makilala dito dahil panigurado dudumugin sya.
Secretary talaga ang dating ko dito, hay. Kase naman si Dave eh, samahan daw ako ng ate nya bumili ng mga damit tutal daw kailangan magaganda ang mga damit ko ngayon saka branded kaya andito kami nag-iikot ikot.
"Dianne, here. Try this. Feeling ko naman babagay yan sayo eh." nakangiting sabi ni ate habang nagbubutingting ng mga damit.
Ako naman si uto uto, pumasok sa fitting room at sinukat. Alam nyo, feeling ko pumayat ako, super stress eh. Katatapos lang lase ng party ni Kaddy nung nakaraang araw kaya super haggard ako dahil ako ang event organizer.
Tapos na ko magsukat nung binigay ni ate kaya lumabas nako, inaantay nya pala ko.
"I know I have a nice taste." pumapalakpak na sabi nya
Isang dress na nude ang kulay ang pinasuot nya saken, mejo hapit pa naman yung dress kaya kita yung mga fats ko, pero like ni ate? Ano talaga?
Bumili si ate ng ilang dress pa, mga see-through, magaganda naman infairness. Dumaretso kami ng Forever21, at dun ayun parang kilalang kilala si ate ng mga staff.
"Dianne, come here." tawag nya saken
Lumapit naman ako, ano paba magagawa ko?
"Lahat ng dress na iaapprove ko, bibilhin namin Miss. Thanks." sabi ni ate Miguelle
***
Finally, tapos na kami sa pagsusukat at pamimili, buti nalang at hindi hassle kase may tagabuhat kami/bodyguard so sila yung nahihirapan..
"Here. Pasok tayo dito, I think we need some fresh looks. Mukha kana kasing haggard." sabi ni ate Miguelle
Di ako masyadong familiarize ng pangalan kaya sumunod nalang ako. Anu paba magagawa ko. I can't say 'NO' to ate Miguelle sabi nga ni Dave eh.
"She need a makeover, may pictorial kase sya mamaya eh."
Pinaupo nalang ako ni ate at pinag-earphone para daw marelax ako, and sa totoo lang narelax nga talaga ko. Nakapikit nga lang ako the whole time eh. After stressful days.
BINABASA MO ANG
Substitute Wife
RomanceSometimes there are choices that you need to make, even if it's not for yourself. You need to be selfless in times so that someone will be happy. -Yelle Dianne Francine Villanueva A businessman should always taking the risks, even if it is not for...