***
Dave Miguel Calyx del Valle
Lahat ng preparation kay Dianne ko inasa, alam ko sobrang pressure yung binigay ko sa kanya. Sabihin ko ba namang may balak na ko magpropose tapos ilang araw nalang..
May patampo tampo pa nga sya kase di ko man lang daw sya sinabihan tungkol sa balak ko.. Ang totoo, sa kanya ko unang sinabe pero, mukhang naunahan ako mga chismis..
Ilang taon ko na rin kasing girlfriend si Stacey, college palang eh ngayon nagtatrabaho na kami pareho buti nalang di sya nagsasawa saken..
Sinabi ko na kay Dianne na umalis ng maaga para ayusin lahat. Bilib ako sa taste ni Dianne pagdating sa mga bagay bagay, well except sa buhay pag-ibig, hindi naman kase bagay yun. Tao ang usapan.
Ako ang unang taong buhay ang sinabihan nya tungkol sa pakikipagbreak sa kanya ng ugok nyang ex, feeling gwapo. Pag nagkita talaga kami nun, sasampolan ko yun ng makita nya.
On the way na pala ko sa condo ko, mejo malapit lang sa building kase ako yung tipo ng taong late kumilos kaya ayun, kahit na malapit lang yung condo ko sa trabaho nalilate parin ako, bunganga ni Dianne ang sumasalubong saken lalo na kapag late ako.
Nagshower ako saglit at nagchange attire, syempre kailangan gwapo ako ngayong gabi dahil ngayon ako magpopropose kay Stacey.
Patapos nako mag-ayos ng sarili ko ng palabas nako ng unit ko..
Calling Dianne..
Akala ko may problema, yun pala iaupdate nya lang ako tungkol sa nangyayare dun sa venue..
Kinakabahan na talaga ako ng sobra, ultimo pag start ng kotse ko di ko magawa ng maayos..
After ng ilang minuto na start ko na din, pinaharurot ko na dahil baka malate ako, nakakahiya..
Calling Diane..
[Oh bosss, ano problema?] tanong nya
[Kinakabahan ako..] yun lang nasabi ko
[Upo ka ng maayos, pikit ka ng 3 seconds, hingang malalim tapos sabihin mo 'kaya ko to'] sabi nya
['O sige gawin ko mamaya pagbaba ko ng sasakyan..] sabi ko sa kanya
['Eh @#$%*-+() ka pala eh! Tatawag tawag ka tapos nagdadrive ka! Oy, ibaba mo na 'to!!!!!!!!!!!!!] sigaw nya saken
Agad ko namang binaba, masunurin akong kaibigan eh.. Malapit na rin ako sa venue, mas lalo akong kinabahan dahil sa mga nakikita kong makukulay na nakasabit sa mga puno..
Mahal ginastos ko dito kaya dun ako lalong kinabahan, si Dianne kase eh puro gusto mamahalin.. At syempre ako naman si payag.. HAHA wala eh ganun talaga..
Bumaba na ko ng sasakyan at umayos ng tayo, hingang malalim, pikit ng mata.. Saka ko naglakad papunta dun sa meeting place namin ni Stacey, pagdating ko dun kakababa nya lang sa sasakyan nya..
Ang ganda nya talaga parang anghel na bumaba sa langit, ang ganda pala nung napiling gown ni Dianne sa kanya, maputi kase sya kaya umangat yung color light pink na gown. Ang ganda din ng ayos ng buhok nya, super perfect. Nastun ako habang naglalakad sya papalapit saken..
Nung makalapit na sya, lalo akong nagandahan at nainlove sa kanya.. Iba talaga kapag maganda ang girlfriend, yung pang Miss Universe.. Ang sexy pa! San kapa?
"Babe, anong meron 'bat tayo andito?" tanong nya
"Babe, kain muna tayo.." yun ang nasabi ko, WEWS! EPIC FAIL!!!
Inalalayan ko sya papunta sa table na nasa gitna, kitang kita yung mga bituin sa langit, the best talaga si Dianne.. Yun lang talaga, kawawa ako kapag nanhingi sya ng pangbonus..
Pumalakpak lang ako, senyas na iserve na yung pagkain, pesto ang favorite ni Stacey kaya yun ang menu, although hindi ako masyadong fan ng pesto nagugustuhan ko na din dahil sa kanya..
"Babe, anong meron? Bat may ganito?" takang takang tanong ni Babe
"Later babe, let's enjoy the moment.."
Maya maya matatapos na kaming kumain, biglang may tumunog na violin saka piano, the best yung timing neto ah. I should congratulate my bestfriend after this night.
Tumayo ako para ayain si Stacey na sumayaw, at dahil favorite nya ang All of Me ni John Legend yun ang kanta ngayon..
"May I have this dance?" tanong ko habang nakalahad yung kamay ko
Agad nya namang tinanggap yun at sumayaw kami sa may hall, actually nagpaturo pa ako kay Dianne ng waltz para naman hindi pangit pakinggan, baka ichismiss ako ni Stacey na hindi ako marunong magsayaw, nakakahiya diba?
I think its time..
Humiwalay ako sa pagkakahawak ni Stacey, at umusog backward para lumuhod..
"Stacey, can you be my wife?" tanong ko
Ilang minuto pang lumipas, hindi sumagot si Stacey, dun ako natakot..
"Stacey, can you be my wife?" ulit ko, baka hindi nya kase narinig
"I'm sorry Dave.."
BINABASA MO ANG
Substitute Wife
RomansaSometimes there are choices that you need to make, even if it's not for yourself. You need to be selfless in times so that someone will be happy. -Yelle Dianne Francine Villanueva A businessman should always taking the risks, even if it is not for...