Yelle Dianne Francine
"Everyone, I have an announcement to make, this is Dianne, my bestfriend and now, my fiance. " Awkward.
Sa sobrang awkward talaga, lahat nakatingin saamin ni Dave. Lalo na nung mga pinsan nyang kanina lang iniinsulto ako, oh I mean yung character ng taong fiance ni Dave which happens to be me.
"Well dinner is ready. Come on sit-down guys." Pagpapalight ng mood ni tita.
Lahat naman sila parang robot na sumunod kay tita, nagkatinginan naman kami ni Dave. Akala ko ba, normal na dinner lang 'to?
Siniserve nila ate yung pagkain, ang sasarap ng pagkain, lalo na alam kong si tita yung nagluto. Gusto kasi talaga ni tita magchef eh kaso hindi sya nagkaron ng chance na maging kilala sa industry na yon dahil kinasal na sila ni tito.
Nagtayo nalang sila ng restaurant para si tita ang magmamanage nun, from inventory hangang sa pagsserve ng pagkain.
"Let's just eat, and enjoy the night." Pansin ko si tita lang yung nagsasalita, tapos si Dave naman panay ngiti lang sakin. Seryoso?
Hindi ko sigurado, pero ramdam kong lahat sila nakatingin saakin. Yung tipong papatayin ka nila the moment na lumingon ka sa kanila.
Act normal, Dianne.
Act normal.
Kumuha ako ng steak, favorite ko kasi yun. Kaya siguro niluto ni tita yun. Nakita ni Dave na kumukuha ako ng steak kaya tinulungan nya ako, on that note huminto sila lahat para tignan kami ni Dave. Gosh, alam mo yung kinicritize ka, grabe. Hindi ako makahinga ng maayos.
Act normal.
Kumuha parin ako ng steak, bahala sila. Ayoko nga ng masira yung pagkain ko dahil sa kanila.
"Hija, anong buong pangalan mo?" Napalingon ako sa nagsalita, lola pala nya yun.
"Uhmm.." I can't breath.
"She's Yelle Dianne Francine Villanueva.." Parang alanganin naman 'to si Dave sakin, kung sapakin ko kaya 'to?
Ano ba 'to? Interrogation? Masyado kasing seryoso eh.
"Welcome to the family, soon to be cousin." Say ni Frans
"Hija, hijo kailan nyo balak magpakasal? Gusto ko na makita ang magiging apo ko sa tuhod."
"Okay ka lang?" Muntik na kong mabilaukan. Walang ewan naman oh, seryoso ba si lola?
"I guess she's not ready for that to talk over dinner. Lalo na po may bata tayong kasama." Buti naman concern si Dave sakin.
"Ma, let's just eat." Saway ni tito
Tinuloy ko na yung pagkain ko, bawat subo ko inaalalayan ako ni Dave, sinasabi ko na nga ba pwede talaga 'tong mag artista eh. Ang galing magpanggap eh.
Alagang alaga naman sya saakin. Sorry, masyado akong maganda. Alam nyo namang baby ako dito kay Dave eh.
Nagulat ako pagtingin ko sa kanila, lahat sila nakatingin saakin. Seryoso, anung meron? Bakit ganito? Nilingon ko yung relo, 5 minutes palang naman ang nakalipas pero parang 50 minutes na kami dito sa hapagkainan.
Ngumiti nalang ako sa kanilang lahat, tapos tinaas ko yung plato ko para ayain silang kumain. Ngumiti yung ilang pinsan nya sa ginawa ko, yung lola nila poker face lang.
BINABASA MO ANG
Substitute Wife
RomanceSometimes there are choices that you need to make, even if it's not for yourself. You need to be selfless in times so that someone will be happy. -Yelle Dianne Francine Villanueva A businessman should always taking the risks, even if it is not for...
