Yelle Dianne Francine Villanueva
[I want you to be his spokesperson in this issue.] Biglang nag echo yung boses ni Mr. Del Valle nung sinabi nya yun
[Ahh, yes sir. What do you want me to do, sir?] Nakakakaba naman si sir. Ano daw? Spokeperson? Ang weird naman nun.
[Go here in the house now, dito kana magdinner so we could talk about this matter.] Matigas na sabi ni tito. Nakakatakot swear!
Binabaan na rin ako ni tito, napabuntong hininga naman daw ako pagtapos sagutin yung tawag na yun. Kaloka!
"Camille, mauna na ako ha? Pinapapunta kasi ako ni Mr. Del Valle sa kanila. Work-related eh, pinapapunta na nya ako ngayon na mismo." Kinakabahan akong magpaalam kay Camille
"Chill ka lang Dianne, halatang tensyonado ka masyado eh. Sige na, kakausapin kapa ng father in-law mo." Nakangiti pa si Camille nyan, sabunutan ko yan eh.
Pinaandar ko na yung Lexus ko at dumaretso na sa bahay nila tito.
"Oh Dianne, bakit andito ka? May kailangan kaba sakin? Sabi ko naman sayo itext mo nalang ako hindi mo na kailangan pumunta pa dito sa bahay. Tell me, my prob—"
"Ako ang nagpapunta sa kanya dito Dave, may problema ba doon?" Tanong sa kanya ni tito.
Ilang segundo din syang natahimik, natauhan ata. Pero napapaface palm ako sa pagkaconcern nya eh. Mejo weird kase.
"But dad, she's my secretary!" Pilit ni Dave
"Yes she is, but she is still my employee." Ganti sa kanya ni tito
"Remember Dad, you told me that office work is restricted in this house, not unless it is important." Bakit ba ang kulit kulit kulit ni Dave
"Come on Dianne, to my office. NOW." May diing sabi ni tito kaya sumunod naman ako
Nakasunod din pala saakin, I mean sa amin si Dave.
"Dad, is this because of the wedding plans?" Tanong ni Dave habang nakasunod samin
Wedding plans. Grabe, nakakakilabot naman yung term na yun. Grabe, yak eww. Di kaya ng bones ko.
"Me and Dianne are working for it very hard." Kulit ni Dave
"Very good, then. Leave us alone for awhile ni Dianne. May pag uusapan lang kimg importante." Malumanay na pahayag ni tito.
"Okay then, dad tawagin ko kayo kapag ayos na sa baba para mag dinner." Yun nalang nasabi ni Dave at umalis na
----
"Dianne, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I want you to be his spokesperson para maclear yung name nya, about the issue with Hillary." Bungad ni tito
Uh-oh. Si Hillary at si ate Buching ay iisang tao lang.
Di ako nakapagsalita agad, how can I deffend him? Pano ko makiclear yung issue between ate Buching and Dave?
"Nagpatawag na ako ng press conference. Ikaw ang sasagot ng mga questions or issue na binabato sa kanya. As his bestfriend, secretary, and fiancee nya ikaw ang magandang mag clear ng pangalan nya. Regarding kay Stacey, tell the truth na inayawan nya talaga ang proposal na hindi natin alam ang dahilan. Do you whatever you think is right, alam ko namang hindi mo papabayaan ang anak ko, ang mapapangasawa mo." Mahabang salaysay ni tito
BINABASA MO ANG
Substitute Wife
RomanceSometimes there are choices that you need to make, even if it's not for yourself. You need to be selfless in times so that someone will be happy. -Yelle Dianne Francine Villanueva A businessman should always taking the risks, even if it is not for...