#33: Asdfghjkl

2.7K 60 4
                                    

Yelle Dianne Francine




Pangatlong araw na namin dito, at ang unggoy nag eenjoy yata. Kasama nya yung mga pinsan ko sa ilog, maliligo daw sila. Tuturuan nilang magswimming, eh pro naman ng lumanggoy si Dave, pakikisama lang siguro?




"Ano pong gagawin natin, ma?" Nag aayos kasi ako ng mga damit, maglalaba kasi ako sa may sapa.




"Anak, kailan mo nasabing gusto mo na si Dave?" Uhh. What will I say?




"Ma, ano kasi.. Biglang isang araw, yun na. Biglaan po kasi eh."




"Anak, sigurado kana ba jan sa Dave na yan? Mukha kasing lolokohin ka lang, saka gwapo baka umiyak ka lang." Hay si papa talaga!




"Pa, kapag mahal ka hindi maghahanap yun ng iba." Wow. What did I just said?




Natahimik nalang sila papa, pati ako natahimik sa mga sinasabi ko.




Tanghalian na nung dumating ulit yung mga pinsan ko, sobrang ingay nila. Akala mo nasa palengke.




"Grabe si Dave, naligo lang sa ilog.."




"Galawang breezy!!!"




"Nako pre, sana ako nalang kinausap nung babae."




Oh diba, ang ingay nila.




"Dapat binigay mo number mo. Chicks yun pare!"




Ang ingay nila.




Naghahanda na kami ng lunch. Ang sarap ng mga pagkain namin, tataba na naman ako pagbalik ko sa work.




"Dapat yung number ko nalang yung binigay mo, kesa tinanggihan mo. Palay na nga ang lumalapit, ayaw mo pa."




"Kakain na!" Sigaw ni mama galing dining.





"Alam mo ta, itong si Dave malakas sa chicks." I know.





"Ta, grabe ang ganda nung lumapit na chicks kay Dave kanina." Boys will always be boys.





"'Nak, sabi sayo eh, may oras ka pang umatras." Bulong ni papa.





"Hinihingi nga nya number ni Dave eh."





"Aba't si pare, epic ng palusot!"





Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon