***
Dave Miguel Calyx del Valle
Kakatapos lang namin kumain, nagrequest nga si Kaddy na sama daw sila ng room ni Dianne, namiss nya lang talaga ng sobra yan si Dianne. Lately kase hindi talaga nakakapunta dito si Dianne kaya sinusulit nya yung time.
Pagpunta ko sa second floor, rinig na rinig yung boses ni Dianne na nagkekwento kay Kaddy, sabi nga ni Kaddy 'the best story teller' daw to si bestfriend eh.
Miss ko na rin naman sya eh, ngayon kase di na kami nakakalabas kase busy sa work, alam nyo namang may kinoclose king deal sa bagong investors eh.
Nakatambay lang ako dito sa may hagdan, nagrereminisce ng mga nangyare. Kung tutuusin, parehas kaming 'broken hearted' eh.
Hay nako, ang astig din kase nung boyfriend ni Dianne eh. Iniwan sya dahil hindi kayang ibigay ni Dianne yung pangangailangan nya biglang lalaki. Ang lakas din maghingi ng ganun ni Alex, feeling gwapo mukha namang tukmol na agiw!
Hayyy! Nakakabanas lang, puntahan ko nga dun si Dianne sa kwarto ni Kaddy, makikichismis. Haha!
Kaso pagpasok ko, tulog na pareho. Sayang! Humihilik pa si Dianne, nagising tuloy si Kaddy.
"Kuya Dave, I'll sleep nalang with ate Miguelle. I can't sleep well." sabi ni Kaddy na maiyak iyak na
Ayaw na ayaw kasi ni Kaddy na nagigising kapag nakatulog na sya. Ayaw nya kase ng maingay saka naghihilik.
Bihira naman humilik 'tong si Dianne eh, pag pagod lang so I guess pagod talaga sya. Minsan nga walang tulog 'tong napasok sa office, maging on time lang.
"Alex...*sobs*...*sobs* Wag mo ko... hukhuk.. Iwan..." sabi nya
Ayan na naman sya, umiiyak na naman.. Akala ko okay na sya, mas nauna pa syang hiniwalayan tapos 'broken' padin sya. Mga babae talaga oh.
Kung makikita nyo lang yung itsura nya, hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa eh.
Yung tulog na nag sleep talk tapos mukhang batang cute na nakabaluktot. Basta ang cute nya talaga. Kawawa din talaga 'tong bestfriend ko eh. Ang daming problemang hinaharap.
Pagkatapos malaman ni mommy yung sa kasal namin, excited sila ni daddy. Ni hindi nila tinatanong kung kamusta na kami ni Stacey, well I guess alam na nila agad, ayaw lang nila magtanong, inaantay lang siguro nila kong mag open up sa kanila.
@#$%*-+!"': Ang sexy pala ng bestfriend ko. Grabe lang, tapos ang kinis at ang puti pa. Haha, kawawa naman si Alex at pinakawalan pa si Dianne.
Alam nyo kase, kung may taong papakasalan ako bukod kay Stacey si Dianne 'yon. Bestfriend ko kase sya kaya kung gusto ko mang matali, bukod kay Stacey sa kanya na yon.
Plus the factor na alam ko ang tradition sa kanila. Ganito kase yan.... Si Dianne at ang pamilya nya ay atat magkaasawa, except ata sa generation nilang magkakapatid.
Yung kuya nya nag abroad para makaiwas, pero eto si Dianne kababaeng tao, pinipilit ng tatay nya magpakasal, opposite sila ng parents nila. Ang tradition sa kanila, kapag umabot ng 25 ay pwede na magpakasal, hindi tutol ang parents nila.
Parents pa nga mismo ang nagpupush na mag-asawa na si Dianne, naalala ko pa nga yung sabi ng tatay nya na 'kapag umuwi daw si Dianne ng 27 na sya at wala pang fiance o asawa, tatay nya na mismo ang pipili para magkaasawa na si Dianne agad agad. Yung tipong 'shotgun marriage'.
Pero dahil nakipagbargain pa si Dianne, kase hindi pa sya ready magpakasal ay sya ang nagpapaaral sa kapatid nyang si Vanessa.
Ayoko din naman as bestfriend nya na mapunta sya taong hindi nya kilala 'diba? Ang awkward kaya nun.
Kamusta na kaya si Stacey? Masaya na kaya sya ngayon na tinanggihan nya yung kasal na inalok ko sa kanya? Sayang lang talaga yung efforts ni Dianne dun, plus sayang din yung pera ko.
Pagtingin ko kay Dianne, ayun masarap na tulog nya nakayakap pa sa unan ni Kaddy, how I miss my bestfriend.
Kailangan ko na ring matulog at busy pa masyado bukas, may icoclose akong deal.
"Goodnight Dianne, sleep well.."
![](https://img.wattpad.com/cover/29054857-288-k26218.jpg)
BINABASA MO ANG
Substitute Wife
RomansaSometimes there are choices that you need to make, even if it's not for yourself. You need to be selfless in times so that someone will be happy. -Yelle Dianne Francine Villanueva A businessman should always taking the risks, even if it is not for...