#31: Back to the basic

2.5K 67 0
                                    

Yelle Dianne Francine





Grabe si papa ko, parang di maintindihan. Kasi naman, sabihin ba namang hindi nya gusto or ayaw nya kay Dave. Kawawa naman si bestfriend ko.






Sabi ni papa dapat daw matuto syang magbanat ng buto. Well, nag gigym naman sya and diba mabigat na yun. This past few days kasi busy kami kaya ganun, hindi na nya naaasikaso yung sarili nya.








Unang gabi naming matulog ngayong gabi. Nagbukid sila papa, hindi ko alam ang ginawa nilang dalawa ni papa pero pagod na pagod si Dave.







Magkahiwalay kami ng tulugan, tabi kami ni mama tapos si Dave at papa ang magkasama. Nasa kabilang kwarto sila, dun sa kwarto ni kuya.








Sa totoo lang, ang ingay ni Dave sa kabilang kwarto, gusto ko ngang puntahan baka kasi binubugbog na ni papa.






Minsan daw sabi ni mama, dito daw natutulog si Topher lalo na kapag lasing daw si papa kasi para may ibang kasama daw si mama.




Hindi pala inom si Topher kaya sya ang palaging naaasahan ni papa. May ibang pamilya si Topher kaso dahil nga sa solong anak na lalaki sya at bihira lang umuwi ang magulang nya dahil na rin nasa ibang bansa na nakatira.








"Anak, kakain na. Pakitawag naman yung dalawa." Kakain na pala ulit kami.






"Babe, papa. Kakain na daw po." Kinatok ko na sila sa kwarto para alam nilang kakain na.







Mabilis pa sa alas kwatro lumabas na si Dave, mukhang pagod sya physically. Nakikita ko kasi syang pagod pero alam mong dahil lang yun sa stress, ngayon iba dahil nga sa pagod talaga.




"Ano bang ginawa nyo ngayon, babe? Bakit pagod na pagod ka? Papa anong ginawa nyo dito?" Nginisian lang ako ni papa.





Ganito talaga sa probinsya, mag 6 palang ng gabi kakain na kami. Samantalang kung nasa Maynila kami pa-out palang ako sa trabaho.




Umupo na ako sa dining area, may kaliitan lang yung bahay namin dito bukod sa rest house nila sa Bicol.




Kumain kami ng tahimik lang, ganito talaga si Papa kapag ayaw nya ng kasama nya. Hay nako, ano ba namang makipagplastican sya kahit konti, diba?





"Mama, namiss ko po talaga yung luto nyo." Pati kayo namiss ko.




"Anak bukas, nag-usap kami ni Derek na sasamahan nya ako manguha ng kahoy sa gubat." Gubat?




"Gubat? Malayo yun dito ah? Anong gagawin nyo sa kahoy, pa?" Before pumupunta kaming gubat para kumuha ng mga honeybee sa mga bees.





"Gagawa kami ng bahay kubo." What?





"Dad, para san ba yung kubo?" Bakit gagawa ng kubo?





Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon