#32: Family Affair

2.9K 73 2
                                        

Yelle Dianne Francine







Nilagyan ko ng ointment kagabi si Dave tapos minassage ko ng konti, para naman mawala yung pagod nya.










Nakakapagod kayang maglakad ng malayo para maghanap lang ng pukyutan, makakagat ka ng mga bubuyog kung hindi ka sanay.








"Ma, asan po sila papa?"







Tinanghali na ako ng gising. Ginabi kasi ako sa kakamassage kay Dave, tulog na pala sya. Ginising ko lang sya nung feeling ko narelax na yung mga muscles nya.








May pasa kasi yung ibang parte ng katawan nya. Nakakalungkot lang, baka pagalitan ako ni tita at tito kasi nagkapasa yung anak nila.








"Nasa palengke, maaga sila umalis kaninang umaga." Ha? Bakit kasi pumunta silang palengke?






"Ma, bakit pumunta silang palengke?"








Anong meron kasi ngayon?







"Hindi mo ba naalala anong meron ngayon?" Ha? Anong meron?







"Family Affair natin sa side ng papa mo. Sumakto ngang umuwi kayo eh."







"Ay ma, nakalimutan ko nga po. Teka ma, wala akong pera naiabot sainyo ni papa para sa panghanda." Nako nakakahiya.








"Hindi na anak, binigyan ko na ang papa mo ng pera panghanda. Saka okay na yun pera. Sinamahan naman sya ni Dave para magbuhat." Hay. Oo nga pala si Dave.




***




Bago magtanghalian dumating na sila papa, kasama yung ibang tito ko at mga pinsan. Ang dami nilang dala, parang ang papakainin nila isang buong barangay.







"Oh pa, bakit tinanghali kayo?" Kinuha ko yung isa nyang bitbit.






"Yang boypren mong si Derek ang daming binili." Ha? Derek? Binili?






"Naku pa, okay lang yun. Alam nyo namang magiging isang pamilya na rin po tayo." Eww, yuck!








Hinila ko si Dave. Anong kalokohan? Nakakadiri, plus the fact na nag goosebumps pa ako.








"Anong kalokohan, Dave?" Hinila ko sya ng mejo harsh.







"Wag mo namang saktan yang si Dave, sya ang taong papakasalan mo, diba?" What the hell?








Substitute WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon