#42: Preparation

2.8K 67 1
                                        

Yelle Dianne Francine




Nasa isang vacation house nila Dave kami dito sa Bataan, ang ganda ng view, nakakarelax. Nakakawala ng stress, hindi ko nga ramdam na ikakasal na pala ako bukas.




Dahil sa sabi ng mga matatanda, bawal daw magkita 'the day before the wedding' ang bride at groom, eto magkatext kami ni hubby.




Oo, hubby. Hubby daw ang itawag ko sa kanya para sweet, para daw kiligin sya habang binabasa daw nya mga texts ko. Nakakaumay man, kailangan ko syang sundin.




Nag aasikaso na kami para sa mga minimal na asikasuhin. Yung dress, for final fitting sya mamaya, yung mga pagkain, mga guests at mga photographer.




Dapat si Theo ang magiging photographer namin, exclusive for our wedding kaso hinarang ni Dave. Gusto nya sa kanya lang daw ako nakafocus, tsk. Theo is the man of my dreams.




From: Hubby

I want to eat, but they don't allow me.




Parang bata lang diba? Actually, pinapagdiet kaming dalawa, mejo bumigat daw kasi kami.




To: Hubby

Let's just eat heavy meal later.





Andito ako sa may veranda, kailangan ko daw magrelax para hindi ko mafeel yung pressure. Nag arkila pa nga sila ng maghome service na parlor. Ipapapamper daw nila ako para bukas pag gising ko maganda daw ako.




From: Hubby

Wifey, is Theo texting you?




Grabe sya! Mukhang Theo naman 'to!




To: Hubby

No, since you told him not to text me anymore.




Bitter ko kasi, ayun na eh. Ang ganda na, may sparks na kami, tingin ko nga sya yung forever ko eh. Umeksena lang si Dave slash Hubby.




From: Hubby

Good to know. Ipapasalvage ko sya kapag hindi sya tumigil.




What the hell?




To: Hubby

You sounded like  a devil there, hubby. Stop bothering him or else I'll be a runaway bride.




Ang tagal nyang hindi nagreply, so I just nap.




ZzzzzzzZzzz




"Wake up my beautiful sister-in-law!"



"Wake up pretty sissy!"




Pagbukas ng mata ko, aba maygash! Sila ate Miguelle and si Kaddy. Anong ginagawa nila?




"The home service are here. They're ready for us!" Its Kaddy.




Sana na nga pala sila sa ganito.




Kinuha ko yung robe ko then bumaba na kasama nila.




Nasa sala na si nanay at si Vanessa. Nakapikit habang yung mga paa nila nakataas. Seriously?




Hinila na din ako ni ate Miguelle, saka pinaupo sa chair. Alam nyo yung massage chair? Yun yung inuupuan ko.




"Lay down." Mejo malambing na sabi ng stylist.




So I lay down.




Minamassage yung likod ko yung chair, then nafifeel ko minamassage yung face so feeling ko finafacial ako. Pinastrech nila yung mga binti ko kaya baka siguro imamassage din nila.




Pinahidan ng lotion yung paa ko, nakapikit man ako ramdam ko yung mga ginagawa sa body ko, kailangan kong maramdaman.




Tinatanggal nila yung mga whiteheads ko, nakakahiya, feeling ko ang dami ng tinatanggal nila kasi ang daming binubunot. Nakakahiya naman..




May nagririnse ng hair ko, grabe talaga multitasking naman ng bongga yun. Multitasking pero mabagal yung mga kilos nila halatang professional kasi ingat ba ingat sila sa mga ginagawa nila.




Nakakarelax lalo. Nararamdaman ko na yung mismong foam na yung dumadampi sa face ko. Patapos na siguro, nakafootspa na rin ako, yung buhok ko tapos na.




"You're ready for tomorrow Ma'am."




Ganito pala kapag mayaman, lahat ng imposible magkakatotoo, katulad nalang ng home service na parlor na 'to.




"Dinner's ready. Come on!" The forever hyper ate Miguelle.




Si Vanessa, nasa mini gym daw nag wowork-out. Balita ko kasi pupunta yung crush nya bukas, kaibigan ng pinsan ni Dave. Nakita nya sa invitation,  lahat nga don inistalk nya eh. Look how creepy my sister is.




Kinakabahan ako, I heard my ex-boyfriend would be the official photographer. Pero, baka hindi pa sure. You know alam ko namang sensitive si Dave pagdating sa ganitong issue.




Nasa dining table na kami at sobrang dami ng food, sinabihan kami kanina na wag daw kaming kakain ng madami kasi baka sumikip yung mga damit namin. Ang mahal pa naman ang cost ng damit namin, as in lahat.




"Hi babe, beware sa mga kakainin mong food baka hindi mo masuot yung gown mo bukas."




It's him, my hubby.




"Since hindi daw tayo pwedeng magkita tonight, just want to send my hugs and kisses to my soon to be wife. Wifey na kita bukas."




Vtr lang yung pinapanuod namin, bawal nga daw kasi.




"I miss you so much babe, inaaway nila ako dito. Help me!"




He's being childish again.














I think I'm starting to fall in love with this gentleman.

Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon