#2 : Preparation

9.9K 197 0
                                    

***

Yelle Dianne Francine Villanueva

Ilang araw na mula nung nalaman kong ikakasal na si Dave, mega over react naman daw ako diba? Syempre palagi naming nakikita yung isa't isa tapos may hindi pa pala ko sa kanya alam.. Tapos bestfriend ko pa sya.. Nasaan ang hustisya dun?

"Diane, okay naba lahat?" tanong sakin ni Dave sa intercom

"Di ko alam sayo. Ako ba magpopropose?" pamimilosopo ko

"Yung venue yung tinutukoy ko Dianne, kung naset mo na. Okay naba yung flowers?" tanong nya ulit sa intercom

"Okay na yung set up, yung venue, yung mga flowers, catering, yung ring, yung singer saka yung bandang kakanta ng theme song nyo.." sagot ko

"Very good." sabi nya

Nag intercom ulit si Sir..

"Dianne, mag out ka ng maaga. Walang kaltas sa sweldo. Ayusin mo yung mismong event. Be hands-on. Okay?" sabi nya

Kabanas tong taong to ah? Sya yung magpopropose tapos ako yung hands-on. Pasalamat sya malaki ang pasahod nya saken.

"Bakit ako ang magiging hands-on? Ako ba yung magpopropose?" tanong ko

"May dagdag ka namang sweldo eh. Saka alam mo namang masyadong busy ang 'big boss' mo sa mga bagay bagay. Uuwi padin kase ako sa condo para maligo, alam mo naman kailangan fresh ako mamayang gabi sa proposal." O diba sya na yung may 'K'. Feeling gwapo eh.

"Edi ikaw na gwapo nyan sa lagay na yan. O'sha basta ha. May additional na payment yan ha? Bonus kung baga." sagot ko

Ganyan talaga kami ni Dave, parang hindi magbestfriend ang turingan. Tindi ng bangayan namin, buti ngayon wala na masyado kase iwas na din ako eh lalo na at my girlfriend syang isang model.

***

5 o'clock na, pinapalayas na ko ni Dave sa office namin dahil daw asikasuhin ko daw yung venue, icheck ko daw kung okay na daw ba lahat. Di ko nga alam jan kung ako ba talaga ang magpopropose o sya eh. Ako ang hands-on eh, kutusan ko talaga yun. Pero dahil sya ang may taya ng budget, nilubos lubos ko na, para naman yun kay Stacey eh. Swerte ni Stacey kay Dave kase mayaman na gwapo pa. Haha, mabait ako ngayon, binigyan ako ng bonus eh.

Nakarating nakong venue, buti nalang angkop naman yung suot ko dito. Nakadress akong fitted na royal blue na printed sleeveless tapos pinartneran ko ng beige/skintone/nude na heels. Kabog, di halatang secretary.

"Mr. Santos okay naba lahat? Plantsado na?" tanong ko kay Rafael

"Kuya, okay naba yung sounds, saka yung mic? Baka pumalpak ha? Laki ng binayad ni boss jan."

"Miggy, okay na ba yung mga singers, yung band? Nako, dapat perfect yan ha? Yan pa naman yung pinahabol ni boss saken bago umalis."

"Francis, yung pagkain okay naba? Yung pesto? Ayusin mo ha? Nako, dapat masarap yan. Patikim nga? *subo* Nako, mejo maalat yung timpla mo. Pakiulit nalang, yung swak lang sa lasa. Pati pala yung wine ha?"

"Kuya, yung upuan po dapat mejo nakaslant para makita yung view. Yaaan! Ganyan nga po, onting push pa dun sa right. Yaaan! Perfect!"

At dahil tingin ko, mukhang perfect na tong mga set up dito. Tawagan ko na si Dave, ayusin ko na. 8 o'clock na rin kase kaya needed na rin.

Calling.. Dave..

[Hello boss, okay na lahat! Aye aye Captain.]

[Naayos mo naba lahat? Thank you bestfriend ha? The best ka Dianne!]

[Boss, uwi na ko. Hinahanap na ko sa bahay eh. Masakit na rin paa ko, ayy nga pala boss. Yung bonus ko ha?]

Binaba ko na rin kase pagod na rin ako, ganyan talaga kami magmahalan ni boss.. HAHAHA

Calling... Dave..

[Oh boss? May problema?]

[Kinakabahan ako.]

Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon