#14: Spokesperson 1

5K 135 1
                                    

Yelle Dianne Francine Villanueva

This past few days laging nasa labas si boss Dave, makikipag usap daw sya sa pinsan nyang si ate Buching. Sa opisina, walang nakakakilala kay ate Buching bilang pinsan ni Dave, bale ako at ang papa lang nya. Ayaw daw nya ipagkalat para maissue daw sya. Tsk, baka daw kase magtrending. Ewan ko nga dun eh, yung iba ayaw sa issue tapos sya gustong gusto. Pashowbiz ang peg nya.

"Dianne, sa labas ako maglalunch. Just text me kung kailangan akong pirmahan immediately para bumalik ako dito sa office, baka hindi na kase ako makabalik eh." Paalam nya saken

Lumabas na sya dala ang laptop at ang mga files na kailangan nyang aralin, mukhang hindi na nga sya babalik ngayong araw. Lately nga palaging busy sya eh. Kaya nakakapaghayahay ako sa buhay sekretarya ko.

Nextweek naka leave na kami ni Dave para sa activity sa Alma Matter namin. Tinanggap nya kase yung offer na makapaglaro ulit, nalumbinsi ko kase syang sumama eh.

Maglalunch out din ako ngayon kasama sila Camille at Prince sa isang restaurant ngayong tanghali dahil wala si Dave.

Any minute now darating na rin ang dalawang yun dahil mag 12 o'clock na ng hapon, vacant na naming mga employees.

Nag iisip nga rin ako ng mga magandang gawin next week dahil isang buong linggo kaming mawawala next week para pagbigyan ang hiling ng pinakamamahal naming dean, sabi kase kami daw ang favorite na batch ng school namin dahil nung naglalaro pa kami para sa school ay palagi namin nasusungkit ang pagkachampion kaya super proud daw ang school saamin.

Naalala ko nga nung dati binigyan kami ng school dati ng isang treat na 3 days and 2 nights leave from school. Super bongga nga ng school namin eh.

"Dianne!!!!" Tawag ni Camille sakin paglabas nya ng elevator

"Ano ba yan, ang tagal nyo namang dumating. Panis na ang laway ko dito eh." Maktol ko

"Kaninong sasakyan yung gagamitin?" Tanong ni Camile

"Syempre yung kay Prince!!" Masayang announcement koo

"Ako na naman. Oh tara na!" Reklamo ni Prince

Ang sarap kasing sumakay sa Mazda ni Prince eh, parang laruan lang kase eh. Si Camille kase wala pang napupundar na sasakyan kaya joyride sya lagi kay Prince. Ganito kami lagi kapag kumakain sa labas. Si Prince lagi may sagot ng transpo namin. Sayang kase sa gas diba? Pwede namang makisabay.

"Alam mo namang  Prince na may pinag aaral akong kapatid eh, tapos si Camille may tatay na kailangan sustentuhan. Ikaw lang ang may magaang buhay saating tatlo eh." Masayang bungad ko pagdating naming parking

---

"Happy Birthday, Prince!!!" Bati ko sa kanya pagpasok namin ng restaurant

"Birthday ko nga pala ngayon, nakalimutan ko." Sabi nya habang nakamot sa batok

"Eto regalo ko sayo, oh." Sabay abot ni Camille sa kanya ng isang box na lalagyan ng relo

"Wow Camille. Salamat sa regalo mo." Gulat na sabi ni Prince

Ang laman ng box ay isang Michael Koris na relo, magkasama kami ni Camille na mamimili ng regalo para kay Prince nung nakaraan sa Sharingla.

"Eto naman yung sa'akin, Prince." Nahihiyang abot ko sa kanya. Sana nga magustuhan nya yung regalo ko eh.

"Wow, nag-abala pa kayo Dianne. Pero salamat ha, naalala nyo yung birthday ko." Maluha luhang bangit ni Prince saamin

Ang regalo ko kay Prince ay isang ballpen na Parker ang tatak na naka engrave yung pangalan nya. Mahilig kase sya sa ballpen eh, at ang gusto nya pa yung mamahaling ballpen. Bongga dibaa?? Buhay binata kase talaga to si Prince eh. Condo ba naman ang tinitirhan nya, may pagka rich kasi itong si Prince  kaya minsan ang hirap bigyan ng regalo.

Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon