#36: His comfort place

2.6K 67 0
                                    

Yelle Dianne Francine

Andito na nga kami sa bahay nila Dave, bahay ng parents nya. This past few days, hindi na sya nakakauwi dito dahil sa sobrang busy nya.

Nasa kusina kami ngayon, sya nagbebake, and ako nakanganga lang. Nakakagwapo pala talaga sa lalaki ang marunong magluto, or kahit atleast may alam sa kusina.

"Ang gwapo mo." Tinignan nya lang ako.

"Wala nabang bago?" Ha?

"Matagal ko na kasing alam yun eh." Hay nakoooo! Ang hangin nya talaga

"Babe, do you want almonds?" Sa cake? Or papapakin ko?

"Sa cake or papakin? Pwedeng both?" Nasabi ko nabang lahat ng gamit kumpleto sila. Kahit saang gamit.

"Kuha ka dun sa drawers. Marami pa jan." Syempre mabait akong kaibigan, kinuha ko yung lalagyan ng mga nuts.

"Babe, nalibot mo naba 'tong bahay?" Hindi pa.

"Hindi pa. Bakit?" Hindi kasi ako feeling close, kahit alam kong pwede akong maglabas masok sa bahay nila hindi ko ginagawa.

"Konti nalang, hintayin nalang natin maluto 'tong cake." Ok.

"Uhh, alam mo ba kung saan tayo pupunta?"

"Hindi."

"Dun sa lugar na halos ako lang ata nakakaalam. Dun ako napunta tuwing nalulungkot ako." Nalulungkot?

"At kelan pa nalungkot si Mr. Heartrob?" Palangiti kaya 'to.

"Ikaw talaga, pumupunta ako dun kapag malungkot ako. Kapag inaaway ni tita si mommy, at daddy." Ha?

"Inaaway nila ang parents ko dahil nakakaangat kami. Pero alam ko namang sila daddy, pinaghirapan talaga nya kung nasaan man kami ngayon." Wow. Nagkoconfess ba sya?

"Sa totoo lang, naiinis ako sa kapatid ni mommy dati kasi mukhang pera. Sorry for the term, but that's what I thought when I was a kid." Mukhang perfect kaya ang pamilya nila.

"Naalala ko dati, nagkekwento si mommy tungkol sa pinagdaanan nila ni daddy before they became rich, bago pa nila makuha yung mga meron at natatamasa namin ngayon."

"Mahal na mahal talaga nila daddy ang isa't isa. At yun talaga ang alam ko, yun ang nararamdaman ko. Despite of all of the pain, hardships, they continue to love each other."

"Alam mo ba Dianne, kapag alam ko sa sarili kong hindi ko nagagawa yung best ko, or tingin ko I failed pumupunta ako dun, sa lugar na alam kong nakocomfort ko ang sarili ko." May hindi ba sya nagagawa?

"Parang lahat naman nagagawa mo ng maayos?"

"I want my parents to be proud of me. Kaya lahat sinalihan ko, lahat ng kaya kong gawin just to make them happy ginawa ko." Ah. That's why he's competitive.

***

Ting!*

Tumunog na yung oven, tapos na yung binibake nya. Kumuha ako ng mga chips sa storage room, kinuha nya yung binake nya.

Nauna sya dahil mas alam nya dito, hindi ko naman masyadong kabisado 'to. Pumunta kami sa room nya, and alam nyo bang hindi pa talaga ko nakakapunta sa kwarto nya. Unethical naman kasi sa isang babaeng pumasok sa kwarto ng lalaki, especially if its not your brother's room.

Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon