Yelle Dianne Francine
"Dianne, kailangan mo yan.."
"Oo nga, hija. Kailangan mo yan.."
Kanina pa nila ko pinipilit, gusto nila akong bilhan ng bikini. Oh diba? Sila pa talaga? Of all people. Two days from now ikakasal na kami. Mamayang gabi aalis na kami papauntang Batanes, oo. Dun yung venue ng kasal.
Yung pictorial okay na, makapagpapictorial na kami ng matino. Finally, matino na rin. Nung una kasi halos wala naman sa katinuan.
Ngayong gabi, magpaparty daw kami. Party without boys, pero wholesome naman yung samin. Konting kainan lang sa may vacation house nila sa Tagaytay Highland.
"Pinareserve ko yung gazebo and no medias allowed. No uploading of pictures, or else makakausap na nila ang lawyer ko." May personal lawyer kasi sya, syempre dahil model sya kailangan alam nya lahat for legal matters.
"Thanks ate Miguelle." Nakipagbeso na sya sakin.
"Kunin mo na yan ha, para may gamitin ka para sa first night nyo." Hay nako, nakakahiya.
Susunduin din nila Dave ng private plane sila tatay para sa wedding. Sila ang magsusundo, bago dumaretso sa mismomg place.
Ang plano, sila Dave na susundo kila tatay sa probinsya.
"Sige kahit hindi sa first night nyo. Suotin mo nalang later para sexy ka mamaya kasi may night swimming." Night swimming? Seryoso? Sa Tagaytay?
"Ayy magkakasakit pala ko mamaya.." Lame excuse.
"Oo nga Miguelle, baka lamigin yan at magkasakit. Kawawa naman sya." Oh yes, finally!
"All right. Pagtulungan nyo ko." Nakakatuwa talaga mainis si ate Miguelle.
Nagpout pa sya, parang bata. I wonder kung may boyfriend sya ngayon.
Nakatattered jeans si ate Miguelle with matching white shirt and rubber shoes. Ang ganda ng pormahan nya, naka pony tail sya na ombre na color pink. Nagsastand out nga sya dahil na rin naka salamin na pangcelebrity.
Si tita naman, nakadress na mahaba as in tapos naka flats syang slippers. Parang mga artista sila samantalang ako mukhang chuchay. Chuchay, as in mukhang katulong.
Nakahighwaist na pants tapos mid-rib na shirt, tapos sneakers na binili ni Dave para daw masabihan kaming couple.
Eww. Yuck! May choice ba ako? Walang choice.
"Later, mag picture tayo. Pang OOTD." Kaloka. Oo nga pala, blogger nga pala sila.
Si tita nga pala blogger din pero food blogger naman sila. Hilig kasi ni tita magluto, si ate Miguelle syempre nagconvince kay tita na mag blog. Dalawa ang field na binablog ni ate Miguelle, isang traveling at isa pang fashion, like make-up, mga get ups, mga outfits nya.

BINABASA MO ANG
Substitute Wife
RomansaSometimes there are choices that you need to make, even if it's not for yourself. You need to be selfless in times so that someone will be happy. -Yelle Dianne Francine Villanueva A businessman should always taking the risks, even if it is not for...