#67: Captured

3.1K 71 5
                                    

Yelle Dianne Francine



Isang sampal ang gumising sakin, kapag ako talaga nakaalis dito masasampal ko 'to bastos eh. Naturingang teacher tapos ganito kumilos.

"Hey. Gising!" Sinampal ako ulit




"Oo na, gising na." Sarap dukutin ng mata nito eh.



"At dahil mabait ako, bibigyan kita ng choices ng pagkamatay. Bibigyan kita ng huling pagkakataon na tumawag sa kaisa isang tao, sino yun?" Seryoso ba sya?

"And also gusto mo bang maprolong yung buhay mo o isang bala lang?"



Sino bang pwedeng tawagan? At anong pipiliin ko? Yung may chance pa ba akong mabuhay o yung wala na?

"Gusto ko yung maprolong."




"Sino gusto mo ng tawagan?"




"Si Dave." Kahit sa huling beses Lang, kahit papano gusto kong marinig ang boses nya, yung tawa nya.


Yung bruha tumawa ng pangbaliw. Hay, wala nakong lakas, nararamdaman kong may dugo na yung kamay ko sobrang higpit.

Umalis sya sandali, baka may goons na kakausapin.



Napapikit nalang ako, ano ba 'tong pinasok ko? Dati, gusto ko lang ng magandang buhay na kasama ang mga taong mahalaga sakin. Okay naman dati ah, perfect. Kung binalikan ko ba si Alex magiging ganito ba Ang buhay ko?

Namamaga na yung mukha ko at manhid na yung katawan ko sa sakit at gutom na gutom nako. Wala bang sasaklolo sakin. Wala na ring salita ang lumalabas sa bibig ko, dehydrated na ata ako eh.

Naiiyak na ko, bakit ganun? Bakit sa lahat ng tao ako pa ang nasa pusisyong ito. Ano bang nagawa kong mali sa buhay?

Bumalik na sya, may hawak hawak na cellphone, nanlalabo na yung mata ko dahil kakaiyak ko lang.


Nilagay nya yung cell phone sa tenga ko at nagdadasal na sana sagutin nya yung tawag. Huling pagkakataon na 'to, sana iligtas nya ako.

Nag ring yung cell phone, kinabahan ako ng sobra. Sana sagutin nyaa!!



"Hello  wifey!" Naiiyak nako, sobrang lambing ng boses nya. Tuluy tuloy lang yung tulo ng luha ko.


"Save me." Yun lang nasabi ko biglang pinatay ng bruha yung cell phone.


"Do you really think na ililigtas ka ni Dave?" Bigla nyang sinampal yung pisngi ko.


"Tutal naman at kahit na anong mangyari mamatay kana rin naman. Ikikwento ko nalang sayo kung bakit nangyari ang lahat ng 'to."

Napapikit nalang ako dahil nanghihina nako. At sobrang kulang na kulang nako ng tubig sa katawan at masakit pa ang ulo ko.

"Bata palang ako, sobrang malungkot na ang buhay ko. Sobrang perfect ng tingin ko sa buhay, may nanay ako, may tatay. Nagbago lahat yun ng birthday ko ng 7 years old. Hindi pa ako nakakaihip ng kandila dumating ang totoong pamilya ng tatay ko." May pait yung mag kwento nya. May hugot naman pala sya.


"Inatake ng sakit ng puso ang nanay ko. Kinupkop ako ng pamilya ng tatay ko pero hindi bilang anal, kundi isang katulong. Alam mo ba kung gaano kasakit? Syempre hindi dahil ni minsan hindi mo naranasan yun. Araw araw kang inaalila at tinuturing na basahan, pinapamukha sayong anak ka sa labas."

"Sa lahat ng naranasan ko, may isang taong nagpakita sakin ng kabutihan, isang taong naging sandalan ko sa lahat. Yun ay walang iba kung hindi ang step sister kong si Stacey."

So si Stacey nga ang punot dulo nito?

"Nung una wala lang, dahil niligawan sya ni Dave sobrang saya nya kaso nung nawala sya pinalitan no sya sa buhay ni Dave."

Pinalitan? Teka alam nya in the first place?



"Nalaman ko lang nung nag uusap kayo ng malanding Ayanne na yan! Pumunta kapa talaga sa mundo ko para guluhin kami? Okay naman kami ni Sir Julius noon, masaya pero nung dumating ka nawala lahat yon!"


"Nagsabi ako kay Sir Julius, wala daw akong pag asa dahil ikaw daw ang gusto nya. Alam mo bang masakit? Yung taong gusto ayaw sayo."

"Para magkagusto sya sakin, kailangan mong mawala, at papatayin kita."


Wala akong ginagawa.




Tinutok nya sakin ang baril, akala ko ba prolong?


"Kunin nyo na yan!" He commanded.



May tao pala dito.




Abandonadong building 'to mukang pabrikang nalugi. Ayoko dito, ayoko sa madilim.


Sapilitan akong sinama ng mga goons na ito. Paaakyat, binuhat nila ako na parang sako. Nakakapagod na, gusto ko mang magwala pero wala hindi ko na kaya.

Nilagay nila ako sa loob isang human size aquarium. Habang tinatakpan nila yung aquarium naririnig ko ang mga tawa nila parang demonyo. Nakakatakot mukhang hindi talaga nila ako bubuhayin.

Pagkasarado nila ng aquarium, biglang may lumabas na tubig. Teka ganito ba nila ako balak patayin? Ni hindi nila ako kinalagan.

Mejo lumalakas ang pagpasok ng tubig, kinakabahan nako. Konti nalang mahihimatay nako dahil kulob 'to. Wala nakong lakas para magsurvive pa dito.

Hangang balikat ko na yung tubig, nanghihina na ko, ang bilis mapuno ng aquarium dahil hangang leeg ko na, nahinga nalang ako pataas.

"Dave, asan kana?"




Napupuno na yung aquarium at nakapikit nako dahil tanggap ko na, mamatay na talaga ako.


"Dave, iligtas mo 'ko."


Mga ilang minuto pa, napupuno na yung aquarium, no choice na talaga, kailangan ko ng tanggapin na walang Dave ang dadating para iligtas ako. Real life ito at wala ako sa fairy tale o kahit na anong palabas.


Biglang nagflashback sa alaala ko yung mga masasayang oras namin ni Dave, yung mag dates namin, yung iba nakakatuwa, yung iba nakakainis. Kahit ganito yung mga naaalala ko, ito yung mga memories  kong gusto kong baunin sa hukay, mga happy memories kasama ng taong nagkaron ng malaking parte ng buhay ko.




At dahil tanggap ko na, pumikit nako ng mata, nilublob ko na yung sarili ko sa tubig at ninanamnam ang tubig na nasa katawan ko, sobrang lamig. Kung siguro nasa ibang pagkakataon pa ako, baka mag iinarte pa akong ayoko ng malamig na tubig, pero ito na 'to last na.

May narinig akong kalabog ng pinto, hindi nako makamulat ng mata pero naririnig ko lang ay puro kalampog ng aquarium. Sana si Dave na yun or naghahallucinate lang ako.

Sa huling tingin ko sa paligid, nakakita ako ng anino kasabay ang pagkabasag ng aquarium. Nakapikit ako pero yung isip ko buhay pa kasama ng pandinig ko.

May humawak sa kamay ko, isang mainit na kamay dahilan para mapamulat ako ng kaunti.


"You came."

Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon