Dave Miguel Calyx
I can't concentrate! Paglabas ni Stacey ng office ko umalis na rin si Dianne, di ko sya makausap. Nahihiya ako sa asawa ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa lahat na kasal na ko. Feeling ko kinakahiya ko sya dahil hindi ko masabi kung kanino ako kinasal. I didn't regret anything, natutuwa parin ako. Nararamdaman ko na yung sinasabi nilang nasa Cloud 9, though wala pang nangyayari samin ramdam ko naman sa sarili kong naeenjoy ko ang company niya.
"Babe, come here. Let's talk." As I press the intercom.
Bigla syang pumasok na mejo matamlay. HAY DAVE MIGUEL, BE A MAN. GREW UP.
"You can spank me, kick me, kill me if you want. Say something, please."
Nakayuko lang sya, I need her to say something para alam ko kung ano yung nasa isip nya sa mga oras na 'to.
"Call the media, schedule me an interview. Ayoko yung ganito wifey, feeling ko naaargabyado kita."
Finally! Umangat na rin yung ulo nya, naghalf smile sya sakin na kinahina ng kalamnan ko. I admit, I am inlove with my wife.
"You don't have to do it, wala naman yon sa usapan. Ayoko namang magulo ang buhay mo, mahirap mamedia araw araw. Kaya ka nga tayo nagpakasal para hindi magulo yung pamilya, diba?" I felt guilty. All this time akala ko sasaya sya, pero parang hindi.
"Alam mo ba kung bakit sa lahat ng babae ikaw yung pinili ko para maging asawa?"
Tumingin sya sakin ng diretso. Nakakailang sya tumingin, hindi ako sanay, never pa ako naintimidate kahit kanino. When Stacey and I were still together I never felt this way, cause I can always feel that I am comfortable.
"Tara kain tayo sa labas. Mag early out tayo." I insist.
"Tara!" Akala ko irereject nya na ako eh.
Lumabas na sya, nag asikaso na sya ng mga gamit nya. Kupad pa naman sya kumilos, bakit ba ganun ang mga babae? HAY.
Lumabas na ako sa office, nadatnan ko syang nakatulala pero nakangiti. Anong problema nya? Baliw naba sya, o sadyang ganyan lang talaga ang mga babae? May pagka moody ba talaga sila? Sabi ni Miguelle ganun daw talaga sila, pagbigyan na nga. Ayokong mag-away kami ng dahil lang sa ganun. Tinuruan ako ng mommy na dapat kahit na anong gawin ng mga babae dapat irespeto sila.
---
The lunch went well, bumalik din kami agad kasi meron akong commitment ng after lunch.
Hindi na sya sumama, I took the picture of her pero stolen. I'll put it in my scrapbook, collection of our memories.
I decided to make a scrapbook, wala lang I'm just inspired to make memories for her. The day I know that I love her, dun ako nagdecide gumawa ng scrapbook. Yun talaga ang rason, gustong gusto kong balikan ang mga memories na meron kaming dalawa.
Hindi ako clingy pagdating sa mga tao, sa kanya lang, sa bestfriend ko lang. Siguro iba talaga yung ganun, magkaiba talaga ang First Love sa Great Love. Aaminin ko, si Tricia ang first love ko pero si Dianne ang one great love ko.
Were on our way to our appointment, I heard makikita namin today ang walang hiyang ex-boyfriend ng asawa ko. I'm proud to say that she's my wife, and I think every man were.
Pinipressure ko sya ng maigi, gusto kong sa sobrang pressure nya hindi nya makayanan at sya mismo ang bumitaw sa project na yon. Being the master mind, talagang nagtanong pa ako sa mga friends kong architect din from our batch na ibang block.
Nagtanong ako ng mga mahihirap na gawin, yun ang ganti ko sa kanya sa pagsira at pagwarak sa puso ng bestfriend ko na ngayon ay asawa ko na.
"I have an appointment to Mr. Buena—"
"Hi Mr. Del Valle, I've been patiently waiting for you." Walang hiya 'to! Sasapakin ko 'to eh!
"Let's start. I have some appointments after this." Nagsmirk pa ang gg.
Sinundan ko sya sa conference room, tingin ko mataas ang position nya dito sa kumpanya, balita ko kasi naabsorb sya ng kumpanya 'to nung nag OJT sya eh.
"So where's Dianne?" What the hell? Yun agad yung bungad nya!
"I know everything Dave, I know that you just used her for your own! Alam ko rin na kinasal na kayo, invited pa nga ako sa bachelor's party mo diba?"
"Sino ba satin ang gg, Alex? Diba ikaw, ikaw ang nang-iwan sa kanya sa ere. Dahil ano? Dahil lang sa kamanyakan mo!"
Sa totoo lang gustong gusto ko na syang sapakin anytime.
"You don't know my reasons, Dave. Noon palang palagi mo na akong nilalamangan, noon palang laging ikaw yung nananalo. Lahat nalang kinuha mo sakin! At hinding hindi ako papayag na mawala ang nag iisang taong nagtiwala at nagmahal sakin ng totoo."
"Alex, tandaan mo. Ikaw ang unang nang-iwan! Ikaw ang dahilan ng lahat ng naging pagdurusa nya ngayon."
Nagtitigan lang kaming dalawa, deathly glare. Walang may gustong kumurap dahil anytime baka mapatay namin ang isa't isa.
"I'll do everything just to make her mine again. Tandaan mo yan Dave!" He hissed.
Long moments have passed, bigla siguro syang natauhan at tumayo saka binuhay ang projector at ang laptop nya.
"So Mister Del Valle, this is the revised plan. There are minor revisions that we made, according to your email you wanted it to be like this instead of this."
Marami syang pinakita sakin, maganda naman pero I was looking for something na catchy.
"Your presentation were good, but I was looking for something better than this. I want this to be catchy and friendly to the eyes, masyadong dark yung wall and the ceiling. I guess it's not appropriate, baka mairita ang mga guest. For your information masyadong malaki ang deal na 'to, ang mga customers namin ay mga VIP, mga multimillionaire ang mga projects na ito."
I stand up from my chair after I said those words I vacate the room. I can't stand the presence of that man.
BINABASA MO ANG
Substitute Wife
Storie d'amoreSometimes there are choices that you need to make, even if it's not for yourself. You need to be selfless in times so that someone will be happy. -Yelle Dianne Francine Villanueva A businessman should always taking the risks, even if it is not for...